Ang tsinelas ay importanteng bagay sa mga tao. And pagsuot nito ay malaking bagay sa mga tao. May mga tao na hindi kaya bumili ng kanilang tsinels. May mga tao naman na mayroon. Ang tsinelas ang nagbibigay proteksyon sa ating mga paa. Ang tsinelas ay importante .......
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang pamilya del Mundo ay isang mayamang pamilya. May mansion, may kotse, may magagandang gamit at iba pa. Mayroong tatlong anak ang mga del Mundo, sina Anna, Ranier at Salvi. Panganay nila si Ranier at pangalawa si Anna. Ang pagpapalaki ng mga magulang niya kay Anna ay ang paraan ng pagsunod sa mga gusto nito, pero pagdating kay Salvi, wala itong pakialam. Bakit? Dahil ampon siya.
Gaya nga ng sinabi ko, si Salvi ay hindi tunay na anak ng mga del Mundo. Hindi siya tunay na del Mundo. Alam naman niya na hindi siya tunay na del Mundo at hindi niya ito ikinakahiya. Hindi niya ito ikinakahiya sa kanyang mag-aaral, mga kaibigan at sa iba pa.
Palihim itong itinago ng kanyang mga magulang ngayon pero nalaman niya rin ito kaagad. Nalaman niya ito ng sabihin ng kanyang mga kaibigan na "Uy ! diba ikwa yung ampon ng mga del Mundo ? nako ang swerte mo ! " Oo. maswerte siya dahil mayaman ang pamilya del Mundo ngunit kabaliktaran ang lahat ng nangyari.
Pinalaki siya ng del Mundo hindi gaya nina Anna at Ranier ngunit kabaliktaran lahat ng ito. Hindi siya sinusunod ng mga mgulang niya. Nakatira lang siya sa ilalim ng hagdan. Normal naman ang pagpapakain sa kanya ngunit ang mga kailangan nito ay hindi nila mabili ni tsinelas nga gamit niya pa iyon limang taon na ang nakakaraan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dumating ang mga kapatid niya, sina Anna at Ranier. Dumaan sila sa harapan ni Salvi at sinabing "Hoy baduy ! Umalis ka nga dito sa harapan namin"."Oo nga." tugon ni Ranier. Umalis si Salvi at ang panglalait ng kanyang mga kapatid ay hindi niya pinansin. Sanay na sanay na siya sa mga lait.
Tumingin sya sa kanyang tsinelas, pudpod na pudpod na ito. Isang pagkakataon, gusto niya nang magpabili ng tsinelas sa kanyang mga magulang. Isang MUMURAHING tsinelas. Nakiusap siya sa kanyang magulang ngunit hindi siya pinansin. Masyadong maraming ginagawa ang kanyang mga magulang sa trabaho nila kaya hindi sila masyado nakakauwi. Noong nagmakaawa siya sabi ng kanyang magulang "Umalis ka nga sa harapan ko! Mabuti pang mamalengke ka! Bumili ka ng makakain niyo!" sabi ng kanyang tatay. Nakausap rin niya ang kanyang nanay, binigyan lang siya ng pambili ng pagkain sa palengke.
Gamit niya ang tsinelas na sira-sira, umalis siya ng bahay. Sumakay siya sa sasakyan at sumabit ang kanyang tsinelas sa isang alambreng matulis dahilan ng pagsabit nito. Hindi niya na pinigilan ang sasakyan dahil sira rin naman iyon. Namalengke siya na walang suot na tsinelas.
Naglalakad siya sa kalye papunta sa kanilang bahay. May nararamdaman siyang hindi maganda sa mga paa niya. Pagdating niya sa bahay, nakita niya ang pagalis ng kanyang mga magulang. Dumaan nanaman ang mga kontrabida niyang mga kapatid. "Hoy Salvi! Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Anna. Dali-dali siyang pumunta sa kanyang kwarto.
Humahagulgol ng iyak si Salvi sa loob ng kwarto. Napansin ito ng kanyang mga kapatid. "Bakit ka umiiyak? Ano nangyari sa paa mo?" tanong nila kay Salvi na may naginginig na boses. Tinawagan nila ang magulang nila. Pumunta kaagad sila sa bahay. Nakita nila ang mga paa ni Salvi na may mga batik-batik, puno ng nangingitim na dugo, at parang may mga hiwa. Dinala agad nila ito sa ospital doon sa kanilang bayan. "Nagkaroon ng impeksyon ang sugat sa kanyang mga paa. Maraming bacteria na pumasok sa kanyang sugat. May tendency siyan mamatay." malungkot na sabi ng Doktor.
Humahagulgol ulit si Salvi sa kanyang higaan nang biglang may tumunog, TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT. "Ihanda ang mga gamit." sabi ng doktor. "CLEAR" sabay koryente kay Salvi. "CLEAR" inulit nila. Inulit-ulit nila ang pagkoryente kay Salvi pero walang nangyari.
Pumunta ang kanyang nanay at tatay at bumili ng isang magandang tsinelas.
Sinunog ang bangkay ni Salvi kasama ang isang magandang. TSINELAS.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A short story by Jose Antonio.
