Ang Tunay na Biktima

2.4K 41 22
                                    

Malalim ang iniisip ni Lira,mula ng umalis ang bus na lulan nila ng kaibigan na si Mina ay di napalis ang tingin niya sa labas ng bintana,nagmumumuni-muni ang kanyang isipan,gusto niyang makalimot kahit pansamantala sa sakit na idinulot ng paghihiwalay nila ng kasintahan niyang si Alex,kaya naman nang yayain siya ng bagong kaklase ay walang pasubali niyang tinanggap iyon.

Mabait at masayahin si Mina,kaya naman agad niyang nakagaanan ng loob ito,alam din nito ang sakit na nararamdaman niya dahil kay Alex,kaya siguro siya niyaya nitong magbakasyon sa probinsya nila sa Norte.

"Bakit hindi ka muna umidlip Lira?mahaba pa ang biyahe natin, baka mapagod ka..." pag-aalala ni Mina sa sawi niyang kaibigan.

" Ok lang ako.. maganda kasi ang view sa labas,napapawi ang lungkot ko pag nakikita ko sila." tugon naman ni Lira na halatang pilit lamang ang pag ngiti,naawa naman si Mina sa kaibigan,ayaw niyang nakikita itong malungkot, nasasaktan siya.

Ilang oras ang lumipas at nakarating din sila sa baryo nila Mina,tahimik ang paligid,ngunit kapansin-pansin ang mga nakasabit na banderitas na tila may sasapit na kapistahan,nahalata siya ni Mina kaya ipinaliwanag niya sa kaibigan kung para san yun.

"Taon taon,ginaganap ang kapistahan ng anito sa aming baryo bilang pasasalamat sa aming mga ninuno sa masaganang aning ipinagkaloob nila sa isang taon."nakangiting panimula ni Mina.

"Ah ganun ba? talagang naniniwala kayo sa mga ganun ano? "manghang tanong ni Lira.

Ewan niya pero kakatwa ang kanyang naramdaman sa tuwing makikita niya ang mga nagkalat na anito sa daan,lalo siyang pinanayuan ng balahibo nang makita ang matatalim at madidilim na mga mata ng mga taga-baryo na nakatuon lamang sa kanya.

"ganito ba talaga sila mag-welcome ng mga bisita? nakakatakot..." bulong niya kay Mina.

Natawa lang ang kaibigan sa itinuran niya at binulungan siya.

"Pagpasensyahan mo na,madalang lang kasi sila magkaroon ng panauhin na taga-Maynila."

Napailing na lang si Lira, iwinaglit niya sa isipan ang kilabot na nararamdaman niya.

Lumapit sa kanila ang mag-asawa,mga magulang ni Mina.Nagmano si Mina sa mga ito bilang pagbati at ipinakilala ang kanilang bisita.

"Naytay, si Lira po.Kaibigan ko,taga-lungsod." nakangiting pagpapakilala niya sa mga magulang.

"Magandang araw po."bati ni Lira sa mga magulang ng kaibigan,nginitian lamang siya ng ina ng kaklase at tumalikod,nanatiling nakatunghay naman sa kanya ang ama ng kaibigan.Kinabahan siya ng husto,bakit ganun ang aura sa lugar na iyon,at bakit tila hayop tumingin ang mga tao,maging ang mga magulang ni Mina sa kanya...

Hindi iyon maganda... Parang may Hindi tama....

Pagkatapos kumain ay nagpasyang mamasyal sila Lira at Mina, masaya silang namasyal sa bukid at naligo din sila sa ilog,nang mapagod ay nagpasya silang umuwi na,sa daan ay may nakasalubong silang binatilyo,mabagsik ang tingin nito kay Lira,kinabahan tuloy siya.

Maya maya pa ay napasigaw siya ng nilundagan siya nito at kinagat ang kanyang braso.

"AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

Nabulalas ni Lira, agad naman siyang sinaklolohan ni Mina at itinaboy ang binatilyo na ang pangalan ay Ruiz,agad naman itong kumaripas ng takbo, nagdudugo ang braso ni Lira,nagulat siya nang matanggal ang kapirasong balat sa braso niya,nag-iiyak siya sa takot.Agad naman siyang pinakalma ni Mina,malapit nang dumilim,kailangan na nilang makauwi.

Bagsik ( One Shot Horror Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon