Kinabukasan,
Handang handa na yung listahan ko para sa mga babaeng irereto ko sa Ken nayun. Tsk., yung lalaking yun.
Broken hearted yun kaya nangangasar sa akin.. Nag hahanap lang yun ng mapaglilibangan.. Kaya dapat lang na wag kong bigyan ng meaning yung mga ginagawa niya.....
Handang handa nga ako pero late naman akong nagising.. Kaya ngayon nagtatakbo ako patungo sa classroom namin, late na talaga kasi ako..
wala na nga akong pake kung wala pa akng suklay eh tapos nabuhaghag pa ng dahil nilipad ng hangin..
Kahit na haggard na haggard pa ako.. Pumasok na ako agad sa room.. Dun nalang siguro ako mag.aayos..
Pagkaupo ko palang sa upuan ko, sa kakamadali natihaya pa ako at naumod sa sahig.. Hayy grabe na to ah..
Narinig kong tumawa ang mga kaklase ko at mas pinakamalakas talaga yung sa bestfriend ko.. Dapaq. Bestfriend ko ba talaga yun..
Pero napatigil naman ako ng natatawang lumapit si ken sa akin at pinatayo pa ako.. Pagkaupo ko, saka naman siya humahalakhak ng tawa.. Bwesit.. Tinignan ko nga ng masama..(.> >)
Natigil na naman siya ay sila pala kasi nag turo na ulit si sir.. Malapit na ang midterms eh.. Kaya kelangan naming magseryoso.. Kung gusto man naming makagraduate ngayong taon..
Nung vacant time.. Busy ang lahat sa pagrereview.. Napataas naman ang kilay ko nung lumakad palapit sa akin si Ken at umupo sa tabi kong vacant na upuan..
"ANO??" Bungad ko sa kanya..
Napakamot naman siya ng batok. So gay..haha
" panu nga ulit yung sa math, malapit na midterms natin diba?? Patulong naman oh" mas lalo tuloy napataas ang kilay ko.
" sa dami ng matatalino sa classmate namin? Sa akin kapa talaga lumapit at nagpatulong?" Nagkakamot na naman siya ulit sa batok..
" ano kasi.. Ano kasi busy sila at mas nakakaintindi ako pag ikaw ang nagtuturo" so anong tingin niya sa akin hindi busy.. At paano naman niya nasabing mas maiintidihan niya pag ako ang nagturo.. Tsk.
Nakipagpatalo pa ako sa kanya pero in the end.. Napapayag niya rin ako.. Eh ano pa nga ba edi tinuruan ko siya...
"Yun oh, gets ko na.. Ang galing kasi ng tutor ko" tapos ginulo naman niya ang buhok.. Pinandilatan ko nga..
Alam namang magulo yung buhok ko eh mas ginulo niya pa lalo...
"Haha" sarcastic kong tawa sa kanya
"Alam mo Ken, ang dapat sayo eh maghanap na ng bagong girlfriend nang sa tantanan mo na ako.." Napangiti naman siya ng mapait sa sinabi ko
BINABASA MO ANG
Keeping My HEART Safe +_+
Short StoryMake your heart ready for beating fast towards the same person once more.. ^_^