CH.7
THALIA's POV
"GOOD MORNING EVERYBODY!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Wow! Why so cheerful princess?" tanong ni kuya Sebastian.
"I had just a good night sleep, big bro." and i smile.
Sabay din kaming pumunta ng dining.
"Good morning mom & dad." bati ko at nagkiss ako sa kanila. Ganun din ginawa ni Kuya.
"Princess kumain ka ba kagabi?" tanong ni dad.
"Opo dad. Nagising po ako mga bandang 10:30 po."
"Himala naman ata at bumangon ka para lang kumain." si Kuya.
"Eh, nagutom ako eh, hehe."
"Eh sino naman yung kausap mo nun?" si dad ulit.
Hala, pati ata yung pag-uusap namin narinig nya. Bakit ba lagi na lang sya ang nakakahuli. >.<
"Classmate ko po." di na makakapag deny, huhu.
"Sino princess? Si Vince ba?" ay sarap batukan ni kuya. Sa dami naman ng pangalan yun pa talaga.
"Ahm yeah. May tinanong lang." yun lang sinabi ko at saka pinagpatuloy ko na ang pagkain. Patay-malisya na lang ako kahit kinakabahan na.
Si mom napangiti na lang. Sila dad at kuya naman nagkatinginan na lang. Ewan ko kung bakit. Boys thing ata.
Nagpaalam na din naman kami kaagad.
Sa school.
"Princess paakyatin mo naman ng bahay!" si kuya sabi pagkababa ko ng sasakyan nya.
"Huh? What are you talking about?" naguguluhan ako sa kanya.
"Si Vince, sa loob ng bahay ka magpaligaw hindi yung hanggang labas lang at sa telephone. I gotta go." tas nag wave lang sya.
Loading...........
Processing.......
What the...san naman nanggaling yun? Kaya siguro ganun si daddy kanina. Hala, anong sasabihin ko kay dad. Baka mamaya galit na pala yun. Huhu.
Habang naglalakad papunta sa room. Lutang pa rin ako. Hindi ko na nga masyado napapansin yung mga bumabati sakin. Aww, sorry po. May iniisip lang.
Hanggang room para akong ewan. Maganda naman gising ko kanina pero bakit parang ngayon kinakabahan naman ata ako masyado.
"Bes! Hoy! Anong nangyari sayo at para kang zombie dyan?"
Wala lang naman siguro yun kay dad. Wala naman syang sinabi eh.
"Good morning babe. How's your sleep?"
Ay sige na nga. Mamaya kakausapin ko na lang si Daddy.
"Hey! Ayos ka lang ba?"
Pero what i'm gonna tell him? Alangan namang sabihin kong 'dad he's my boyfriend but he didn't court me at all'. Nyeeh, eh di nalagot naman ako lalo dun.
"Hala si bes nabingi na ata."
Eh what more pag nakarating sa kanya na may boyfriend na ako. Dami pa man din kilala nun dito. Kahit naman yung lalaki na yun lang ang may sabi, syempre sa ibang hindi nakakaalam ng buong kwento iba ang tingin.
"Baka may nangyari sa kanya habang papasok pa lang sya."
Kasalanan to nung lalaking yun eh.
"Hoy Akira wag ka nga. Hinahatid sya ng kuya nya no. Bes naman kasi."
![](https://img.wattpad.com/cover/6410515-288-k967662.jpg)
BINABASA MO ANG
She's mine! Back off!
Novela JuvenilShe's his, only his and HIS alone. He would take her no matter what. What a persistent guy can do to a cold hearted lady? Could he unlocked her heart and take a part of it? What a so-sure-of-herself lady can do if its her heart that took over her? W...