Pangarap

15 3 0
                                    

Paglaki ko, gusto ko maging guro.
Ituturo ko kung paano magmahal ng tama at walang hinihinging kapalit.

Paglaki ko gusto ko maging piloto.
Susunduin ko yung mga naiwan sa ere.

Paglaki ko, gusto ko maging doktor.
Para pagalingin ang mga taong wasak at sinaktan ng taong mahal nila.

Paglaki ko, gusto ko maging artista.
Para magawa kong umakto na ayos lang ako kahit ang sakit sakit na.

Paglaki ko gusto ko maging pulis.
Huhulihin at ikukulong ko yung mga taong paasa, pafall at malandi.

Paglaki ko, gusto ko maging pharmacist.
Magiimbento ako ng gamot para sa sawing damdamin.

Paglaki ko, gusto ko maging Speech-Language Pathologist.
Tuturuan kong magsabi ng totoong nararamdaman nila yung mga torpe.

Paglaki ko, gusto ko maging iyo.
Paglaki ko, siguro nakalimutan mo na ako.
Paglaki ko, sana mahal mo na ako.

Pero sana paglaki ko, hindi na ako ganto na nagpapakatanga sayo.

[012516]

Drama BombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon