Differences

42 1 0
                                    

Hindrance #1: Differences

Danica Pangudngud

Nakakairita naman to, oh. Kita namang merong tao sa likod, wala pa ring pake.

Mga paepal lang. Tulak dito, tulak doon. Sino ba kayo sa tingin niyo, ha?

"I think she's killing you with her eyes," sabi ng isa sa kanila.

"I don't think so. She looks cute," dagdag pa nung isa.

"Anong cute dyan? She looks like a total freak as she looks at us," sabi nung isa which made me snap.

"Mga tol! Nakakahiya naman sa inyo. Baka mga bulag kayo. Kita niyong nandito lang ako, pinagtsitsismisan niyo pa. Tatalino niyo, noh?" I said sarcastically. Yan na nga ba ang sinasabi ni ate eh. Lagi na lang akong galit.

Naglakad palapit sa akin yung lalaki sa gitna, feeling gwuapo. Porket ang puti lang niya. May itsura siya pero... Di ko siya type. Unang unang kita ko pa lang sa kanya, nairita na agad ako eh. All I know is that he's bad news.

Wow... Napapa-English na din tuloy ako. Anyways, lumapit siya sa akin tapos di pa siya sobrang lapit, amoy na amoy kaagad yung million dollar na pabango niya. Ang sakit sa ilong. Sobra. Muntik pa nga akong atsingin.

"Miss... Why the hell are you looking at us like that?" Tanong niya.

Nanlisik yung mga mata ko. Kung gusto mo ng devil's look, makikita mo na siya. "Wala ka nang pake doon."

"Actually, I have to know. It has something to do with my friends and I so--"

"Wait lang, kuya. Magtagalog ka nga. Nasa Pilipinas ka. Wala ka sa foreign country." Sabi ko ng sobrang pagkataray-taray. Nakakainis kasi. Pilipino naman siya kahit medyo iba yung mukha niya.

Tumawa siya ng mahina. "Hindi kasi ako dito pinanganak so I don't really know everything. Ikaw nga, tagalugin mo yung 'foreign country' that you were talking about."

Foreign country? Ano nga ba ang Tagalog nun? Nakakainis. Nakakahiya pa. Di naman ako masyadong nahihiya madalas, ah... Bakit kaya?

"Ano? Lost your words?" Asar niya sa akin with a smirk on his face.

Kasalanan ko ba na nasanay ako sa English dahil sa Cano kong step uncle. Kinailangang mag-English lagi...

"Dayuhang bansa," sagot ko naman. Nakakatuwa lang. Kasi alam ko na hindi niya maiintindihan.

Kumunot yung eyebrows niya at nag-victory dance ako sa isip ko. Ano, ha? Ikaw na tuloy yung nakatameme ngayon. Bakit? Kasi tama ako. Epal din pala tong Cano na to eh. Di man inalam kung ano yung mother tounge ng parent niya.

Nagtawanan yung mga kaibigan niya. Di ko alam kung bakit pero bigla siyang namula. As in sobrang pula ng mukha niya. Para siyang kamatis. Yung sobrang hinog na... Ang epic fail.

Lumapit siya lalo; yung tipong nasa personal space ko na siya. Sarap niya batukan ng isang daang beses. Ano siya? Feeling close?

Itutulak ko na sana siya pero nakita ko yung expression ng mukha niya. Parang sasabog na. Kinaladkad niya ako pero kahit anong protesta ko, wala akong magawa sa liit kong to. Ganon talaga. Sad life.

Naramdaman ko na lang na nauntog yung likod ko sa pader. Hindi na ko nakaangal kasi nilapit niya ng sobrang lapit yung flawless niyang mukha. Edi ikaw na walang pimples. Nahiya naman ako sayo, no...

"Make a fool of me again, and I will make you regret your years here in this school. I'm not someone you should mess with, so be careful." Binalaan niya ako. Binitawan niya yung mahigpit na hawak niya sa mga braso ko at tumalikod paalis.

Hindrances sa LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon