Family

45 2 1
                                    


Hindrance #2: Family

Danika Pangudngud

"And the x is...?" Tanong ng professor ko bago ako tinawag.

"45 degrees," sagot ko bago ako humikab. Di kasi ako nakatulog ng maaga dahil kay mama.

"That's right. Buti pa si Ms. Pangudngud, nakakasagot. Yung iba na kamag-anak pa ng principal, late na nga, di pa matalino." Sabi ni Mr. Villanueva.

"Ano sinasabi-sabi mo dyan? Do you want me to suspend you?" Sabi ni Alex habang pumasok siya sa room.

Ugh... Nakakainis. Pati ba naman sa classroom, kasama ko siya.

"Wala. But you don't have a right to say that to me, Mr. Gomez. Your dad might be marrying the principal but I am still older than you and I deserve respect." Sabi ni Mr. Villanueva. First time ko siyang napakinggan ng ganitong boses at hindi siya magandang pakinggan.

Nagdabog siya. "No you don't, old man. Let me sum it up for you. You work at this school. We pay this school which means we pay you. So shut up and just do your job nicely." Sabi naman ni Alex.

Tingnan mo naman, oh. Walang respeto. Siya ba mas matanda?

"Respetuhin mo naman. Alam mo namang mas matanda eh. Mas may alam sayo yan." Sabi ko habang nakaupo.

He scoffed. "Who asked your opinion?" Tanong niya.

Napa-scoff din ako. Kala mo ikaw lang pwede? "Wala. Kailangan ba meron?" Sagot ko.

He reddened at muntik na akong mapatawa. Umupo na lang siya at walang nagawa.

Buti nga sayo. I sarcastically thought.

Okay, nakakainis yung ginawa ko. Pero sumusobra na talaga kasi siya eh.

Natapos ang first to third period at lunch time na. Pumunta ako sa usual seat namin nila Ian at nakita ko sila doon. Kumain kami habang nagkuwento si Genny about sa mga crush niyang sumasayaw na Chinese. Si Ian naman, tawa lang ng tawa kasi di niya alam yung mga sinasabi ni Genny.

"Nika, bakit ka nasa bahay nila Alex kagabi?" Tanong ni Ian.

Muntik na akong maduwal sa kinakain kong biscuit. "Pano mo alam? Nakakainis ka, naalala ko pa tuloy."

"Kapitbahay lang nila yung pinsan ko eh. Ano yung naalala mo?" Tanong niya.

Habang kumakain si Genny, ang lakas ng pagnguya niya ng biscuit niya at nainis ako. "Gen-gen, tigilan mo nga yan. Close your mouth. Nakakainis." Bilin ko bago umupo sa tabi ko si Alex, hawak-hawak ang tray niya na puno ng pagkain.

Nakita ko yung mga expression nila Ian at Genny at nakakatawa yung kay Ian. Mukha siyang nakakita ng patay na nabuhay.

"Uh... No offense but--"

"Bakit ako nandito? Tanungin mo tong matalino mong kaibigan." Sagot ni Alex.

Tumingin sa akin si Genny for answers. Binaba ko yung pagkain kong hawak ko. "Ganito kasi yun... Kagabi, kaya kami nandun ni mama sa bahay nila Alex kasi--"

"Sinabi mo na kaagad nang hindi pa ako kasama? We agreed about this. Sabi mo hindi natin sasabihin kapag wala yung isa sa atin." Reklamo ni Alex. Binatukan ko siya at muntik na siyang gumanti pero pinigilan ko siya.

"Bawal yan!" Sabi ko at binaba niya yung kamay niya. "Sabi diba, bawal mo akong saktan?"

"Guys... please enlighten us. Ano bang nangyayari?"

~°~

"Ma, bakit ba tayo nandito? Gabing-gabi na ah. Baka tulog na sila." Sabi ko sa nanay ko.

Hindrances sa LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon