Stress sa School

6 1 0
                                    


Hindrance #3: Stress sa School

Danika Pangudngud

    
     "Hoy!" Sigaw niya sa akin at bigla akong napatigil sa paglalakad ko sa hallway.

     "Hoy, Pangudngud!" Ang asar niya at hindi ko na lamang siya pinansin.

     Oo, alam ko na nakakatawa pangalan ko. Di mo naman kailangang ipamukha sa akin.

     Bigla niyang hinablot ang aking braso at hindi ko napigilang titigan siya ng masama. "Ano ba kasi?!" Ang pagalit kong sinabi.

     Bigla siyang napatawa ng kaunti. Lalo akong nainis. Gusto ko na sanang kalbuhin yung tao eh. "Galit ka na naman. Bakit ka kaya laging galit pag nakikita mo ko?"

     "Bakit di mo itanong sa reflection mo. Kahit ikaw magagalit once na makita mo kung gaano nakakainis mukha mo eh," ang sabi ko habang nagpatuloy sa paglalakad. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko ng biglaan kahit may dalang akong libro kaya nahulog ang mga ito sa sahig.

     Ito na, bes. Pag-iisip-isip ko. Ramdam ko na ang walang kuwentang blood rush na dumadaloy sa pisngi ko.

     Natawa siya sa reaksiyon ko habang pinupulot ang aking mga gamit na nahulog. Nang makita niya ang mukha ko, lalo pang lumaki ang ngiti niya. "Cute mo talaga pag nagba-blush ka," ang sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

     Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapagsalita dahil hiyang-hiya na ako sa buhay ko. Hay, diyos ko... bakit ganito ang buhay ko?

     Biglang naging seryoso ang ekspresyon niya at nawala ang kaniyang ngiti. "Ang sarap malaman na kaya pa rin kitang pakiligin." Sabi niya bago mapalitan ng malungkot na ngiti ang kanyang blangkong ekspresyon.

     "Buhay ka pa pala. Akala ko patay ka na eh," ang sabi ko ng pabalang.

     "Nika, I'm sorry, okay? Nagkamali ako." Ang sabi niya pero nginitian ko na lang siya.

     "Wag ngayon, Carlo. Busy ako. Hell week na. Baka mapapunta kita sa hell pag di mo ko tinigilan."

     Maglalakad na sana ako pero hinarangan niya ko. "I'll help you. Saan ba next class mo?"

     Inayos ko ang pagbibitbit sa mga libro ko. "No, thanks. Malapit lang naman eh."

     "Don't be like this, Nika. Tulungan--"

     "Tonto! Tanga ka ba? Late ka na kaya," sigaw ni Alex habang naglalakad papunta sa amin. Napatitig na lang si Carlo sa kanya.

     Kinuha niya ang mabibigat kong libro at naisip ko na yung mga eksena sa mga libro at pelikula kung saan ililigtas yung babaeng bida nung male lead role sa ex niya kahit magsisinungaling siya na siya na yung bagong boyfriend nung babae.

     Does that make sense? Sa akin meron.

     Sobra na ang ngiti kong pang-asar na nakadirekta kay Carlo nang bigla akong pagmumurahin ni Alex.

     "Why the hell would you be fucking late? Kanina pa kami naghihintay sayo. Ilang beses ka na tinext ng mga kaklase natin. Ano ka, pa-special treatment?" Sabi niya nang pagalit. Natakot ako sa mata niya kahit ako yung leader at siya yung laging late. Isang beses lang ako malate todo bintang kaagad.

     "Bro, sumusobra ka na ata." Umpisa ni Carlo. "Di mo naman kailangang murahin yung tao."

     "Why the fuck do you care? Sino ka ba?" Sabi niya bago niya ako hinila paalis.

     Nang makaliko na kami sa corridor, bigla niyang binalik sa akin ang mga libro ko. "You owe me one."

     "Anong owe-owe ka diyan? Pinagmumura mo ako tapos ako pa may utang sayo? Kapal mo rin no?" Pagalit kong tanong.

Hindrances sa LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon