Chapter One

24 0 0
                                    

"Bakit ba natin namimiss 'yon mga taong hindi naman tayo namimiss?" Tanong sa'kin ni Sheina, ang bestfriend ko na nakatitig na naman doon sa ex-boyfriend niyang may iba na naman babaeng kasama.

Ewan ko ba't bakit hindi pa siya nakaka-get over diyan sa Jerry na yan, eh, napaka-playboy ng lalaking 'yon. Iba't ibang babae ang kasama araw-araw. Kahapon kasama niya si Meryll, ngayong araw naman kasama niya si Chessa.

"Tignan mo nga 'yan si Chessa. Akala mo naman kung sinong kagandahan, eh, mukha naman siyang losyang. Sarap saksakin." Sabi niya habang sinasaksak ang hangin ng tinidor at iniimagine na si Chessa 'yong sinasaksak niya.

I rolled my eyes at kinuha sa kamay niya ang tinidor. "Ang tinidor hindi ginagamit pangsaksak ng tao, ginagamit ito pang kain ng spaghetti." Sabi ko habang nag rolled ng spaghetti sa tinidor niya at isinubo sa kanya.

"Kalimutan mo na nga ang lalaking 'yan. Parang nakalimutan ka na nga niyan ata eh. Iba't-iba ang girlfriend ang kasama araw-araw. Ano 'yan by schedule? Sa Monday si Jessa, sa Tuesday si Jennifer, and so on and so forth." I said, quite irritated.

"Alam kong mahal pa niya ako Agnes. Ginagawa lang niya 'yan para pag selosin ako. Para makipagbalikan ako sa kanya."

I rolled my eyes again, sabay buntong hininga. "Kung gusto pa niyang makipagbalikan dapat siya ang gumagawa ng paraan para magbalikan kayo. Dapat siya ang kumilos, hindi ikaw. Siya ang nagkamali at ang kapal-kapal ng mukha niyang makipagbreak sa'yo!"

"Pero Agnes..."

"Anong pero?" Pagputol ko sa kanya. "Alam mo hayaan mo na siya. Kung mahal ka talaga ni Jerry. Gagawa 'yan ng paraan."

Lumingon ako doon sa table kung nasaan si Jerry at si Chessa kumakain at base sa nakikita ko ngayon, parang magiging kontrabida ata ako sa lovelife ng bestfriend ko.

Ang sweet-sweet nilang dalawang nagsusubuan. Tapos parang may binubulong si Jerry kay Chessa, isang joke siguro o kaya isang corny na pick-up line na palagi niyang ginagamit kay Sheina, kasi katulad niya tumatawa rin si Chessa sa mga salitang binubulong ni Jerry sa mga tenga nito.

I rolled my eyes. Nakaka-ilang roll na ba ako ng mata sa chapter na'to?

Sigh. Kinain ko na lang ang paborito kong strawberry shortcake pero kahit ilang cake pa ang kainin ko nabubwesit pa rin ako sa kanila.

Ang sarap nilang pag uuntuging dalawa at pagsasaksakin. Pagkatapos mahuli ni Sheina na nakikipag halikan si Jerry with that bitch Margaret, hindi na nahiya at ang lakas ng loob niya at siya pa ang nakipagbreak. Hindi man lang nag sorry o nag paliwanag man lamang. At ang masama, ipinagtanggol pa niya si Margaret, ng sampalin ito ni Sheina.

Ang kapal talaga ng mukha. Akala mo kung sinong gwapo. Eh, ano naman kung basketball player siya? Nakakagwapo ba ang maglaro ng bola o nakakagwapo ang paglaruan ang mga babae?

Well, hindi naman siya pangit. May itsura naman siya, katanggap-tanggap na rin. Pero pangit pa rin siya kasi ang sama-sama ng ugali niya. Winasak niya ang napaka genuine na puso ng bestfriend ko. Hindi ko talaga siya mapapatawad. Hindi ko hahayaan na paiyakin pa niya ulit ang bestfriend ko. At kung gusto man niyang makipagbalikan, dadaan muna siya sa bangkay ko. Dahil hindi sila magkakabalikan hangga't buhay pa ako. Sinusumpa ko 'yan sa noo ng crush ni Ellen. (Isa ko pang bestfriend, wala siya dito, nasa bahay pa nila, natutulog.)

"Hoy Agnes! Kawawa na masyado 'yan cake mo. Torcher na."

I looked at my strawberry shortcake na wasak na wasak. Hindi ko namalayan na sinasaksaksak ko na pala ang pinakamamahal kong strawberry shortcake. Sorry baby. Sigh. Nawalan na tuloy ako ng gana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Just Not Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon