Chapter #01-Unexpected Kiss

36 4 0
                                    

"I want you here with me, Forever." Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Kahit na nasa harapan ko siya ngayon, hindi ko pa rin makita yung itchura niya. Ang dilim kasi ng paligid, mga kandila lang ang nagbibigay liwanag sa garden kung saan naroon kaming dalawa ngayon.

Tinignan ko ang kabuuan ng paligid. May mga heart na nakasabit sa mga puno at may mga rose petals pa na nakakorteng puso ang nasa sementadong sahig kung saan kami nakatayo. Ang romantic ng paligid. Sino kaya siya? Bakit niya ginawa ang lahat ng ito?

"You are my everything." Lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko.

Kahit sobrang lapit na ng mukha niya, hindi ko pa rin maaninag yung itchura niya. Sino ba siya? Bakit niya sinasabi ang lahat ng ito?

"I Love You Alyssa." Nabigla ako sa sinabi niya. Napaka-husky ng boses niya. At parang siryosong siryoso siya sa sinasabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napapatameme nalang ako sa mga sinasabi niya. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko ngayon.

"I really Love you."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Pero kahit sobrang lapit na ng mukha niya, hindi ko pa rin makita yung itchura niya. Hindi ko alam kung sino siya.

Unti-unti pa rin lumalapit yung mukha niya sa akin. Sobraang lapit na. Hahalikan niya ba ako? Ano ang gagawin niya?

Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na magdikit yung labi ko sa labi niya.

Unti-unti..

Dahan-dahan..

"SUNOOGGGGG!! SUNOOGGG! NASUSUNOG ANG BAHAY NI ALYSSA!"

Sunog? Anong nasusunog? Yung bahay ko nasusunog? Waaaahhhh!!

*dilat mata*

"NASAN ANG SUNOOGG?? TUMAWAG KAYO NG BUMBERO!!"

Sa sobrang taranta ko, dumeretso ako sa Cr at kumuha ng isang baldeng tubig.

"Nasaan na yung sunog?! Nasaan?!"

Hingal na hingal akong bumalik sa kwarto ko habang buhat-buhat yung isang balde ng tubig. Imagine, nabuhat ko yun dahil sa sobrang taranta ko. Tinignan ko ang kabuuan ng Kwarto ko. Wala naman akong nakikitang bagay na umuusok. Wala namang bagay na nasusunog.

Bakit parang wala namang sunog dito?

*clap! Clap! Clap!*

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko.

"Ang galing mo, Alie. Malamang mag-vaviral ito sa social media. Sleeping walking queen." Tyaka siya tumawa ng malakas. Habang may hawak siyang cellphone.

Ano ito? Vinedeo niya ba ako habang parang tanga akong natataranta kanina? Waaaahhhhh!!

So, hindi pala totoo na nasusunog yung bahay ko? Hindi rin pala totoo yung kanina? Yung Prince Charming ko. Magki-kiss pa kami diba? Yun na yon ee! Kaso sinira lahat ng bruhang ito! Humanda siya sa akin!

"Magising kasi ng maaga para hindi mapagtripan." Tawa pa rin siya ng tawa na kulang nalang makita mo na yung bituka niya.

Ngumisi ako sa kanya. Lintek lang ang walang ganti!

"Trip pala ang gusto mo ahhh."

Biglang nanlaki yung mata niya ng nakita niyng papalapit ako sa kanya habang dala-dala ko yung isang balde ng tubig. Agad siyang tumakbo palayo sa akin pero patuloy lang ako sa paghabol sa kanya.

"Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!"

Hanggang sa makarating kami ng sala. Hindi pa rin siya nagpapahuli sa akin. Nagpaikot-ikot siya sa sofa.

Where Do Broken Heart Goes? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon