"Asan na ba yung lalaking yon? Pati ba naman sa practice paasa pa rin siya?" Ang lalim ng hugot na yun ahh..
"Oh? Bakit ganyan kng makatingin, Alyssa?" Pagtataray sa akin ni Heily. Masyado siyang obvious. Halata naman na may paki parin siya sa kay Arrow.
"Ahh. Wala naman. Ang ganda mo kasi." Kaya nga nakakapagtaka kung bakit ka iniwanan nung si Arrow. Eh, sa tingin ko bihira nalang yung mga kagaya mo sa mundo. Yan yung gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Baka kasi masaktan na naman si Heily.
"I will buy some drinks habang hinihintay natin siya." Sinasabi niya yan habang tumatayo. "Hey guys, sinong magpapabili ng drinks?" Sigaw niya doon sa mga ka-group namin.
Nandito kami ngayon sa Gym ng school. Actually, kanina pa kmi nandito. Kumpleto na nga sana kmi eh, kaso wala yung music player na gagamitin namin at dahil yon sa lalaking yon! Magvolunteer ba naman na magdala ng player tapos wala pa siya hanggang ngayon? Sabi ko na nga ba, walang matinong magagawa yung lalaking yon sa grupo namin. What if ipamigay ko nalang kaya siya kina Eunice? Hindi naman siguro sila tatanggi kasi first of all, alam ko naman na baliw na baliw si Eunice kay Arrow. Halatang-halata siya!
Back to Arrow, so yun na nga. Kanina pa kami dito at hindi kami makapagsimula kasi wala kaming player na gagamitin. Hindi naman pwedi na bumalik pa ako sa bahay para kunin nalang yung player ko kasi for sure hindi ako papayagan nung guard. Once kasi na nakapasok ka na sa loob ng school, hindi kana papalabasin pa unless manghihingi ka ng letter sa adviser mo. Which is mas gugustusin ko pang hintayin nalang si Arrow kasi katakot-takot na sermon aabutin ko doon. Matandang dalaga pa naman yun.
"Ok guys! Break muna tayo!" Rinig kong sigaw ni Eunice na nasa kabilang bench ng gym.
Kanina pa sila nandyan at kanina pa sila nagstart ng practice. Hindi talaga siya magpapatalo kahit na kailan.
"Ohh? Look whos here? The loosers!" Nakalapit na pala yung malditang empakta sa akin at kasama pa niya yung mga alipores niya. Tinawag niya pa kaming mga loosers?
"Hindi pa naguumpisa ang laban, Eunice. Dont be so confident at wag kang mag-expect!" Sinabi ko yon with maching nakataas pa yung kilay ko. Kala niya hindi ko siya papatulan?
"Ang lakas naman ng fighting spirit mo! Maybe tama ka nga na hindi pa naguumpisa ang laban pero alam na namin na kami na ang mananalo." Tyaka siya ngumiti. Yung ngiting mapang-asar. Ang sarap niyang kalbuhin, promised!
"Wag kang magsalita ng tapos. Baka kainin mo lahat ng sinabi mo." If I know, behind those smile ay inis na inis na yan sa akin. Ayaw na ayaw niya kasi na may sumasagot-sagot sa kanya.
"Well, do your best. But I guess your best was not good enought to win this compitition." Tinitigan niya lang ako tapos umalis na siya. With maching flip pa ng hair niya. Ang sarap hilahin nung buhok na yon! Sumunod na rin yung mga alipores niyang mukhang palaka.
Nakakapang-gigil yung babaeng yon! Feeling niya siya lang yung maganda. Aba! Kung mag-aayos lang ako ng bongga baka walang-wala siya kapag nagtabi kami eh. Minsan ang sarap niyang turuan ng leksyon. Yung ipa-kidnap ko siya sa mga Roswells tapos sila na yung bahala doon sa empaktang yon para maturuan ng magandang asal! Puro pang-lalait kasi ang alam sa buhay eh.
"Papa Arrow, tumingin ka naman dito ohh!"
"Pa-kiss naman Papa Arrow! Ang gwapo mo talaga!"
"Arrow! Akin ka nalang please?"
Napatingin ako sa entrance ng gym. May mga nagtitilian na babae at panay yung pagpapa-picture ng iba. Aba! Nagawa pa niyang magpa-pictorial ahh. Hiyang-hiya naman ako sa kanya!
Agad akong pumunta sa entrance ng gym sabay hawi sa mga malalanding babae na nakakumpol sa lalaking yon.
"Pwede ba, magsilayas nga kayo!" Sabay hablot sa kamay nung babae na nakapulupot sa braso ni Arrow. Letche! Nakakasuka!
BINABASA MO ANG
Where Do Broken Heart Goes? (ON-HOLD)
Teen FictionSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, lahat gagawin mo, lahat ibibigay mo sa kanya. Pero paano nalang kung hilingin niyang PALAYAiN mo siya? Handa mo bang ibigay yon sa kanya dahil mahal mo siya? Meet Alyssa Delos Reyes, amazonang babae na handan...