Lonie and Him

84 7 0
                                    

It's been a longtime since I like Him.

My hands always want to sketch Him.

His Face.

His Back.

His Movements.

I'm Addicted for some reason.

"Lonie? Lonie? Lonie?! Nagde-daydream ka ba? Answer the Problem page 22 no.3 on the board." Tawag sa akin ng Math Professor.

"Yes, Sir."

Muntik ko nang makalimutan na nasa Klase papala ako. Hindi ko maiwasang isipin sya. Magtatapos na sya ngayong taon.

"Everything is Wrong. What are you thinking Lonie? Isa ka pa naman sa pinaka marunong dito sa klase. Bakit bigla kang nagkakaganyan?" Sabi ng Math professor namin.

"Sorry Sir."

Matapos ang klase ay nakita ko naman kaagad sya. Ang taong lubos kong nagugustuhan. Ngayon ay parang gusto ulit gumuhit ng mga kamay ko, Ang nakatagilid nyang posisyon.

Ngunit sa ganitong sitwasyon ay maraming Tao kaya hindi ko ito magagawa ang iguhit ang kanyang magandang mukha.

Ilang sandali lang ay nakita ko syang umupo sa di kalayuan. May babae na naman na magtatapat ng 'feelings' sa kanya.

Junior ako at Senior sya.

Pero kahit na magtatapos na sya, Hindi ko naisipan na magtapat ng nararamdaman ko. Ang gusto ko lang naman ay iguhit ang kanyang mukha at mga kilos, Sa ganoong pamamaraan ay parang pakiramdam ko ay konektado kami sa isa't-isa.

Ilang sandali lang ay natapos ng mag-usap ang babae at sya. Ngumiti at kinamayan nya lang ang babae, Tulad rin ng iba pang mga babae na nakapagtapat na sa kanya noon.

Hindi naman sa Stalker o Follower nya ako. Nagkakataon lagi na nakikita ko sya sa mga pagkakataon na iyon. Simula palang na mag-aral ako dito sya na lagi ang nakikita ko. Sa kasamaang palad hindi kami magkakilala bilang magkaibigan.

Paalis na ako nang hindi ko inaasahan na makabangga ako, Nalaglag ang tatlong piraso ng papel kung saan ko iginuhit ang mukha nya. Agad ko naman itong pinulot.

"So-Sorry di ko sinasadya." sabi ng lalaki. Nagulat ako ng makita ko sya.

Umalis na kaagad ako dahil sa kahihiyan. Siguro naman ay hindi nya iyon nakita, Baka matakot pa sya. Akalain nya pang baliw ako.

Bumalik nalang ako sa aming klase.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang klase at natapos din ito kaagad.

Inaayos ko ang mga gamit ko, Nang mapansin ko na nawawala yung isang papel na nalaglag kanina. Sigurado akong napulot ko lahat. Bumalik naman ako kung saan ito nagsilaglagan.

Nakita kong may mga Papel na nakalapag sa may bench kung saan malapit lang nawala ang Papel ko. Baka sakaling nahalo iyon sa mga papel na nakalagay sa Bench. Siguro nalimutan ng pulutin ng tagalinis nung nilapag nya. 

Nakataob ang mga ito. Kinuha ko naman ang lahat. Nakita ko naman kaagad yung Sketch ko. Parang nabunutan ako ng tinik, Buti ay wala ng ibang nakakita.

Nagulat naman ako ng makita ko ang mga sumunod na Papel.

'The Day I first Saw Her' Yung title ng nakaguhit. Ang ganda, Pro ata nag-sketch nito. Babaeng nakatalikod,ang haba ng buhok nito, hanggang ibaba ng balikat.

'Freshman Student' Dito naman naka side view yung babae , habang nasa klase. Teka, parang namumukhaan ko ito ah...

'She likes Nature?' Dito naman nakaupo habang may hawak na papel at lapis, gumuguhit ito ng kapaligiran. Nakatalikod ang babae habang nakaupo sa tabi ng malaking puno at may kahabaan na ang buhok. Ako ba ito? pero hindi pwede, Imposible.

My Sketches for Him (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon