Chapter 1:

37 3 2
                                    

Chapter One

5 years ago I was lying on a hospital bed.

I cant remember the certain happenings happened before that accident.

I was only 12 then. And for the past 12 years of my life, I cant remember anything. Just the accident. Thats the only thing I can remember.

From the huge light coming towards me from the large vehicle that hit my body against the highway floor.

That's what I remember.

A tragic scene I can't get off my mind up until know.

I want to forget that but I can't.

I tried to remember my past but I can't.

All the things, the memories and the moments I've experienced during the years that I've forgotten, I want to remember them all.

Masasaya, o masasakit man na alaala ang mga ito, gusto kong maalala.

Kung ano ba ako noon.

Kung sino ba ang aking mga nakasama sa oras na nahihirapan ako.

Kung may natulungan ba ako o nasaktan.

At Kung may nagmahal ba sakin sa mga oras na kailangan ko ng pagmamahal.

Sa nakalipas na tatlong taon isa palang ang aking alam na parte ng aking nakaraan.

Ang isang tao.

Sa tuwing sumasagi siya sa isip ko biglang sumasakit ang ulo ko sa di malaman na kadahilanan. At dahil dito hindi ko masyado maaninag ang mukha niya sa tuwing naalala ko siya.

Sino siya?

Hindi ko alam.

But one thing is for sure, he played a very important role in my life.

Bumalik ako sa wisyo nang may dumikit na cotton candy bibig ko.

"Ano naman iniisip mo jan, ha?" Tanong ni Chennie habang hawak ang cotton candy na nakadikit sa bibig ko.

Tinabig ko ang kamay niya't tumingin sa kalangitan.

"Fae, may problema ba?" tanong niyang may pag-aalala.

Umiling lang ako.

"Eh bakit parang meron?"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at ibinaba ang tingin ko maliit sa lawa na kung saan may mga bibe na nakalutang sa tubig.

Ang ganda ng parke na kung saan kami ngayon. Berdeng berde ang mga dahon na inuupuan namin at wala kang makikita na mga basurang nagkalat sa paligid.

Perfect ang lugar na'to para mag pinta at mag guhit.

Kinuha ko ang sketch pad at lapis sa bag kong nakapatong sa binti ko at nag simulang iguhit ang mga bibe.

"Ay, ganern? Walang sagot sa tanong ko?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag guguhit.

Una kong ginuhit ang lawa na kung saan sila naliligo, sunod ko naman iginuhit ang mga bibe.

"Wala ka talagang planong sagutin o kausapin ako, no?" Naiinis nyang sabi.

Nang mapansin kong masyadong mahaba ang leeg ng isang bibe kinalkal ko ang bag ko kung may eraser pero wala.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon