One Last Cry

8 0 0
                                    

Tisha Mae POV

Heto na naman ako, nagmumukmok na naman sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh...bakit nga ba? Bakit niya nagawa yun? Hindi ba ako sapat sa kanya? Hindi ba sapat yung pagmamahal ko sa kanya at iniwan niya ako? Natatandaan ko pa nun, nung monthsary namin...dinala niya ako sa favorite place namin. Akala ko, siya na..siya na ang forever ko..pero sa salitang ito " Tisha, sorry...break na tayo"..nagbago ang takbo ng buhay ko. Walang reason, walang explanations, wala! Ang kapal ng mukha T.T Hanggang ngayon, andito parin, andito parin ang sakit :'( Nahihirapan na ako. Eto nalang ang teddy bear ko ang laging kayakap ko.

"Tishaaaa...kain na. Ilang araw ka nang hindi kumakain?" sigaw ni mama sa kusina. Wala akong ganang kumain.

"Walan akong gana" sabi ko.

"Ano ba anak? Papatayin mo ba ang sarili mo sa pagmumukmok?"

"Basta ma...ayokong kumain"

"Hayy naku anak...hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Bumaba ka lang kung nagugutom ka. Titirhan kita ng pagkain" . At bumaba na si mama. Umakyat kasi siya sa kwarto ko. 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ako to...hindi ito ang Tisha Mae noon. Dapat nakangiti, masaya, minamahal..pero ng dahil lang sa lalaking yun, napatay ang Tisha Mae noon. Eto na, kailangan ko ng magbago, mag move-on. Simula sa araw na'to, bubuhayin ko na ulet ang Tisha Mae noon. Ayoko ng magmahal, ayoko ng magtiwala. This will be my one last cry.

The next morning, I woke up normally...just the same routine I did before...before I met him. I eat my breakfast and went to school. When I  arrived, I notice that everyone is staring at me. Tss...mga chismosa't chismoso. Kaya ayokong makipagkaibigan sa kanila kasi puro plastik. Siguro nalaman nila na break na kami ni Calvin. 

Habang naglalakad ako papunta sa klase ko ay may tumama sa ulo ko, dahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Pucha naman oh...papatayin ko talaga kung sino man ang nagbato nitong soccer ball. Syeettt..ang sakit ng ulo ko.

"Miss...okay ka lang? Nasaktan ka ba?". Aba. tanungin ba naman akong nasaktan? Gagong to ah.

"Ahh hindi..sarap nga ehh..paki-ulet nga." sabi ko sa lalaking 'to.

"Sungit mo naman miss...sorry." sabi niya na pasigaw. 

"Hoyyy jerk, ikaw na nga tong nakasakit, ikaw pa may ganang magalit. aba matindi ahh!!" 

"Miss...may pangalan ako..Stephen. " sabi niya.

"Wala akong paki-alam sa pangalan mo. Kaya umalis ka na sa harap ko bago pa kita upakan jan"

"Harsshh mo naman, sorry na." sabi niya.

"Fine. Sorry din." 

"Miss...ano nga ulit pangalan mo?" tanong niya. 

"Tisha Mae." sabi ko. After nun, umalis na ako papuntang class ko. For sure, late na ako kaya napag-isipan ko na pumunta nalang sa likod ng school. 

So far, nakaka move-on na ako sa kanya. Hindi na masyadong masakit. Siguro ganun na lang yun, na may mga tao talagang darating sa buhay mo para lang magpasaya sa'yo kahit konting panahon at aalis para mag-iwan ng malaking lesson. 

"Wow...lalim ng iniisip natin ah?". nagulat ako sa nagsalita. Paglingon ko kung sino, si Stephen pala.

"Ohh...ikaw pala? Ginulat mo naman ako". sabi ko sa kanya na may halong gulat.

"Nakita kasi kita kaya pinuntahan kita. Anong problema?"

"Teka nga...close ba tayo? Ba't nagtatanong ka?" sabi ko. F.C naman nito.

"Ayy grabe siya oh. Hindi ba pwedeng maging friendly?" sabi niya.

"Friendly? Hindi halata sa mukha mo" 

"Grabe talaga siya oh...Sige na. Anong problema? Makikinig ako". Ang kulit naman nitong lalaking ito. Pero sasabihin ko ba? we've only just met and titiwala ako? No. I promise to myself na hindi ako magtitiwala kahit sino, isa pa, lalaki siya. Pero siya palang naging kaibigan ko so far since first day of school. Do I need to trust him?

'Makulit ka ehh noh? " 

"That's  me...Stephen :) ". Sabi niya. Tss..sige na nga..I'll trust him, but not too much. 

"Bakit ganyan kayong mga lalaki? Iniiwan kaming mga babae na walang dahilan? Hindi ba talaga kayo kontento sa isa at hahanap pa kayo sa iba?" sabi ko. Pinipigilan ko ang luha ko. Sabi ko mag mo-move on na ako.

"Hmm...hindi naman lahat ng lalaki,ganyan. Siguro maling lalaki lang talaga ang minahal mo." 

"Sana naman, sinabi niya na paglalaruan niya lang ako para naman nakapag ready ako at nakasuot man lang ng sports attire."

"Hahaha..ikaw ha. Broken ka ba talaga ?" tanong niya.

"Loko, seryoso ako. Alam mo bang ikaw lang naging kaibigan ko?" sabi ko sa kanya. Mejo natulala siya nung una, pero ngumiti siya.

"Alam mo bang ikaw lang din yung friend ko? na girl?! Alam mo kasi, may gf din ako noon, pero pinagplait niya lang ako sa bestfriend ko. Yung lokong yun, ginagago na pala ako. Hahahaha...pero tignan mo ko, naka move-on na...kaya ikaw, mag move-on ka na din". sabi niya. Aba matindi din tong si Stephen ahh :) Kahit sandali lang kami nagkakilala, naging magaan ang loob ko sa kanya. 

"Stephen, thank you ha?!" 

"Ano ka ba, wala yun. Friends naman tayo di ba?"

"OO naman :) Friends :)"

"Hehehe..oh ano? Pasok na tayo sa klase?!"

"Sige :)". Nalaman ko na classmates pala kami^^ BA't hindi ko man lang siya napansin? Hmm..siguro hindi talaga ako namamansin nun. 

Lumipas ang ilang weeks, buwan, years na magkasama kami ni Stephen. Naging best friend ko siya :) Hindi niya ako iniwan. Pero sa mga nagdaang panahon, natutunan ko rin siyang mahalin. Hindi ko nga alam, nagising nalang ako isang araw na mahal ko na ang best friend ko. Buti nga hindi niya nahahalata at baka ma-deads ako pag nalaman niya may lihim na pagtingin ako sa kanya. Hanggat dumating yung araw na ikinagulat ko, na umamin din siya na mahal niya. Sobra akong natuwa at mahal rin ako ng taong gusto ko. Niligawan niya ako at naging masaya kami sa aming relasyon.

"Tisha, I love you"

"I love you too Stephen"

Anniversary namin bukas ni Stephen. Excited na ako dahil for sure, may pakulo na naman yun. Yung monthsary nga namin, grabe..ginulat niya ako sa isang dinner date. Hindi ko talaga inex-pect yun. 

"If you ever leave me baby...leave some morphine at my door...cause it will take a whole lot of medication...to realize what we used to have we don't have it anymore.." 

Nag-ring yung phone ko. Si Stephen pala ang tumatawag...

"Hello Stephen? Happy Anniversary :)"

"Happy Anniversary din Tisha :) I'm on my way to your house...my surprise ako sa'yo :)"

"Aww...excited na ako :) I love you Stephen"

"I love you too..Ti........."

...and then I heard it...

 Sccrreeeeeccchhhhh...BOOOOOOOMMM

"Hello? Stephen?? STeeeeeppheennn?"

*toot* *toot* *toot*


A/N: Hi guys :) Hope you like this one :) 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon