Rein's Point Of View
"what the hell?!"
"seryoso ka ba sa sinasabi mo Sabrinna?! As in sigurado ka?!"
"Sabrinna ayusin mo ng iyang sinasabi mo! Baka naman nabagok ka? Patingin nga" sabay suri naman ni Maddie ulo ni Sab, napailing ako
"totoo ang sinasabi ko, maniwala kayo nakita ko siyang binisita si sitti kahapon, at base sa usapan nila ay mukang siya ang tat—"
"seriously sab?! Binase mo sa usapan nila ang pagiginga tatay ni kaizer?! Wag tayong magisip ng kung ano ano, ang isipin mo ngayon ay paano ka maglalakad" paano ba naman sinimento ang paa niya, paano siya ngayon niyan?
"sabi ni ma hindi na muna daw ako papasok hanggat hindi ito gumagaling," naka ngusong sabi niya, psh! Sanay ka naman sa ganyan ang lagay mo
"pero Rein bakit mo nga pala kami pinatawag sa place natin?"
Tinignan ko silang tatlo, hindi ko ba alam kung dapat ko pa bang sabihin yun since alam na nila ang lagay ni sitti
Naiinis lang ako dahil sa sinabi ni sab, si kaizer? Ang ama ng dinadala ni sitti? Masyadong Malabo, wala akong maisip na dahilan para maging siya ang tatay non,
"si Drake!.... oo si Drake! Baka si Drake ang ama ng dinadala ni sitti! Sa tingin niyo?" bumuntong hininga ako dahil sa sinabing iyon ni Kathy
"hindi malabong mangyare, siya ang boyfriend ni sitti simula pa lang, pero kasi mahirap naman na sabihing siya nga, hindi ko na alam," bakit masyadong apektado itong si sab? Dahil ba kay Drake?
"ako ang nagdala kay sitti dito nung isang araw" tinignan ko ang mga reaksyon nila, may nagulat pero meron namang naghihintay pa ng kasunod na sasabihin ko psh! "nakita ko siyang duguan sa likod ng school, hindi ko alam ang gagawin ko, sa sobrang taranta ko si red ang na dial ko at siya ang sumama sa akin na dalhin si sitti sa ospital, hindi ko na naitanong kung sino ang ama nun dahil matapos ko siyang dalhin dito umuwi ako agad para magpalit ng damit at dun ko kayo tnxt na magkita sa Place para pagusapan to"
"wala ka bang nakitang tao na kasama ni sitti bago mangyare yon?"
"meron" maikling sagot ko, hindi ko alam kung tama ang hinala ko, ayokong magbasakali
"sino?" – maddie
" *face palm* si kaizer"
"w-what?"
"paano nangyare yun? Eh kasama ko siya sa klase nung oras na wala ka rein"
Hindi ko alam kung bakit naging seryoso si sab sa usapan na ito, don't get me wrong ok? May pagka slow kasi ang babae na yan, pero bakit ngayon ay parang mabilis na nag pa'function ang utak niya? Dahil basa pagka bangga sa kanya? -_-
"lunch time non, nung nagpaka super hero ka sa pagtakbo papunta kay Drake, sinundan kita hindi dahil chismosa ako, kundi dahil tumawag si dad, after ng usapan namin naglakad na ako pabalik, sakto namang nakita ko si Drake na kausap si sitti habang umiiyak, basta madramang eksena ang nakita ko, tinataboy niya si Drake, kaya ng maitaboy niya sakto naman ang dating ni kaizer, at doon ko nalaman na buntis siya"
"hindi mo ba narinig kung sino ang tatay?" –kathy
"hindi, pero sigurado akong hindi si kaizer yon?"
"how can you be so sure Rein?" ani ni sab, seriously? Ano bang nangyayare sa kanya?
"why are you eager to find the real dad of sitti's baby?"
Napayuko siya sa biglang pagtanong ko non, napailing ako "anong oras ka lalabas?" pagiiba ko ng usapan -_- nakakatakot kasi ang biglang pagiging seryoso niya

BINABASA MO ANG
Stupid Kiss (On Going)
Teen Fictionits all started with tha first kiss. or should i say stupid first kiss si Sabrinna Mae Sandoval ay may tahimik na buhay hanggang sa makilala siya ni Drake (kanyang ultimate crush) na walang malang gawin kundi ang hilahin siya at ipakita sa lahat ng...