9th Chapter "sakay na"

9 2 0
                                    

"chen?!!" pareho kaming gulat ! remember? Nung may kumausap sa akin sa room? Nung isang araw? Si Chen Necole Pineda, yung nakakita kay drake at kaizer na nakatingin sa akin? Batsa! Yun na yon!

"oh my gosh! Do you know her?"

Sabay na tanong ng lalaking kasama nila na parang bakla yung unang nakahuli sa kanya at yung babaeng nakabangga sa akin

Tumama na nga ako sa mabutong likod ni kaizer nahalikan ko pa ang lupa!

"uh, yeah! I know her! She's my classmate"

Napa 'owww" naman silang apat, yung isang babae kase tahimik lang

So tatlong babae at isang lalake ? I think bakla siya

"uh, baka naman pwede na tayong umalis? Malayo pa pupuntahan natin" bulong sa akin kaizer, nakakahiya naman kung iiwan namin to

"saan ba kayO? Sabay na kayo sa amin?" bago sila sumagot tinanggal nila mga backpack nila at isa isang binigay sa babaeng nakabangga sa akin

Kawawa naman siya, kaya siguro naghahabulan sila para sa mga gamit na dala nila pagkabigay nila ng bag sa babae sabay sabay sila nag sabi ng "game! Tara na!" at nauna pang lumakad sa amin pwera sa babaeng dala lahat ng bag nila

Habang naglalakad kami bumulong ako kay kaizer

"baka naman gusto mong tulungan kasama natin, pagod na pagod na siya sa sobrang dami ng dala niya"

"wala akong pakealam"

at naunang lumakad sa akin antipatiko talaga tong lalaki na to!, kung kaya ko lang tulungan to eh!

Magkakasabay kami lahat at bukod tanging si kaizer lang ang nauuna

"boyfriend mo?" tanong sa akin ni chen

"tanga! Kung boyfriend niya yan adi sana hindi nauuna ngayon yung lalake! Gamitin utak! Wag paa!" sabi naman ng bakla na hindi ko pa alam ang pangalan

Tama naman sinabe niya PERO! Kahit pumuti pa ang uwak at maging green si spongebob walang dahilan para maging boyfriend ko ang lalaki na yan!

Ngayong magpinsan nga kami hindi ko kinaya!

"pinsan ko si kaizer" maikling sagot ko, pero baket ganon ung feeling? Parang bigla akong nalungkot nung sinabi kong pinsan ko siya

Muntanga amae! Pagod lang yan!

"pinsan? Para kasing iba tingin niya sayo? Anyway, ipapakilala ko na mga kasama ko" sabi ni chen, tumulay muna kami sa isang kawayan

At makikita mong sa ilalim ng tulay ay maagos na tubig na puro malalaking bato

Malalaking bundok ang nakapaligid sa amin, pwede mo ng hawakan sa sobrang lapit, para bang naglalakad kami sa gitna ng dalawang bundok, at umaambon ng kaunti

"eto nga pala si michelle" sabay turo niya sa isang babeng tahimik, singkit ang mata, straight ang buhok na naka pony ng mataa

Nginitian niya ako nginitian ko din siya

"eto naman si Ritchel" sabay turo sa lalaking parang bakla, cute ng name niya tinanguan naman niya ako

"at ang pinaka huli ay yung babaeng pasan ang daigdig, si Cristine"

"bakit niya ba dala ang gabit niyo?" pabulong na tanong ko

"may deal kasi kami na kapag nahuli namin siya, siya ang magdadala ng gamit namin, kaya ayan! Siya ang nagdala"

Soo kasalanan ko pa bang dala niya yun? Dahil nabangga niya ako

Kung hindiu niya ako nabangga baka hindi siya nahihirapan ngayon

Stupid Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon