Tagutaguan

32 5 0
                                    

"... isa... dalawa... tatlo.."  Bilang ng bata.


Nagmadali namang magtago ang kanyang mga kalaro.


"Hala! hindi ko alam kung saan ako magtatago." Ang sabi sa sarili ng isang bata lalaki habang lumilingon-lingon ito sa paligid.


"Tara, hindi ka nila makikita dito. Sumama ka sa akin."  Tawag ng isang batang babae.


Sumama naman ang bata. Pumasok sila sa isang abandonadong bahay at doon nagtago. Nagtabi sila sa isang sulok kung saan ay walang sinuman ang makakakita sa kanila.


"Hinding-hindi nila tayo makikita dito." Sabi ng batang babae.


Tumango lang naman ang batang lalaki dahil may tiwala sya sa kanyang kalaro. Ilang sandali lang ay naalala ng batang lalaki na dalawang batang babae lang ang kanilang kalaro at meron itong mai-ikling buhok ngunit ang kanyang kasama ngayon ay meroong mahabang buhok na halos natatakpan na nito ang kanyang mukha.


"Sa tingin ko tapos na yung laro, ang tagal na natin na nandito pero wala paring nakakakita sa atin." Sabi ng batang lalaki.


"Hinding-hindi nila tayo makikita dito." Sabi ng batang babae. 


"Natatakot  na ako." Sabi ng batang lalaki.


"Wag kang matakot. Sasamahan kita habang buhay." At unti-unting lumingon ang batang babae.


Lalong natakot ang batang lalaki sa kanyang nakita. Dahil walang mukha ang batang babae ngunit pakiramdam ng batang lalaki ay nakangiti ito sa kanya.


Sumigaw ng sumigaw ang batang lalaki ngunit pakiramdam nya ay walang nakakarinig sa kanya.






Ilang oras makalipas.


"Rajim! Rajim! Tapos na ang laro lumabas ka na!"  Sigaw ng Kuya ng batang lalaki.











"Tara, Nandito sya. Sumama ka sa akin."







Wakas.



Author's Note: Hi! Thanks for reading.


PLAGIARISM IS A CRIME!

This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system,without written permission from the author.

©GuardianAngelLyn.

ALL RIGHTS RESERVED 2016.

Tagutaguan (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon