Prologue

63 2 2
                                    

ZEAVEN

Kilala ka bilang isang "Prince of Obscene Behavior"

Ni isang estudyante walang nagtangka na patulan o kausapin ka dahil sa ugali mo.

Pero sumugal pa rin ako, dahil gusto ko mabago yung ugali mo.

Dahil alam kong mabait ka.

Dahil alam kong magiging worth it lahat ng paghihirap ko.

Hindi kita sinukuan at nagpapasalamat naman ako dahil onti-onti kitang nabago.

Tama ako na yung mabuting ugali mo ay tinatago mo lang.

Naging worth it yung pag-iwan at pag-iwas sa akin ng mga kaibigan ko dahil sa pagsama sayo.

Naging matalik tayong magkaibigan.

Yung bawat oras natin sa isat-isa sobrang kulang dahil sa ating dalawa lang naman umiikot ang mundo pag magkasama tayo.

Sabi mo, mahal mo ako higit pa sa pagkakaibigan.

Sabi mo, sabay tayong magtatapos.

Sabi mo, sabay tayong magtatrabaho.

Sabi mo, hindi mo ako iiwan.

Sabi mo lang pala.

Puro mema. May masabi.

Iniwan mo ako ng parang bula.

Iniwan mo ako dahil pinili mo sumikat.

Salamat.

Salamat kasi pinili mo yung tamang desisyon.

Akalain mo yun?

3 taon tayo naging magkaibigan at 6 na taon na tayo di naguusap o nagkikita man lang.

Sana maging masaya ka sa desisyon mo.

Kung gusto mo, magpatayo pa ako ng rebulto na pwedeng yakap-yakapin at halik-halikan ng mga fans mo kasi diba sikat ka na.

TAEYONG

"Pyeonanhanbamdweseyo! Again~ Taeyong imnida~ Saranghae everyone" /bows 90°;

Natapos na naman ang isa naming meet and greet with fans.

Ang saya pala malaman na maraming kinikilig at sumasaya nang dahil sayo.

Sobrang worth it ng limang taon na training ko dito sa Korea.

Sa totoo lang, hindi madali maging artista pero yung makita ko yung mga ngiti sa mga labi ng mga nanunuod sa amin napapawi lahat ng pagod namin.

Gabi na naman ngayon.

At ito ako, nakatingin sa langit.

Naalala pa rin kaya niya ako?

Tumitingin pa rin kaya siya sa mga bituin katulad ko?

Isa rin ba siya sa mga napapakilig ko kahit nasa Pilipinas siya?

Ano kayang nararamdaman niya na ngayon ay artista na ako?

Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko sa tuwing naalala ko siya.

Miss na miss ko na ang number 1 fan ko.

Soon, magkikita na ulit tayo at ipapaliwanag ko ang lahat.

Soon.

Promise.

I love you.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon