CHAPTER 1

50 2 0
                                    

Chapter 1

ZEAVEN

"OMAYGAHD UNNIEEEE! NARELEASE NA YUNG 1ST MV NG NCT. 7TH SENSE TITLE. ANG GANDA! TAPOS ANG GWAPO NI TAEYONG OPPAAAA!!" Sigaw ni Zayerica habang tumatalon.

"Oh tapos? Anong gagawin ko? Fan ka na nila niyan sa lagay na yan?" Sagot ko sa kanya.

"Alam mo hanggang ngayon ang bitter mo pa rin. Yung totoo, mahal mo pa rin ba siya? Mahal mo pa ba ang isang Taeyong na naging friends to bestfriends and to lovers?" Pang-aasar niya habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.

"Anong pinagsasabi mong lovers? Mukha ba naging kami? Duh, hindi ako bitter."

"Bahala ka nga diyan. Basta panuorin mo nalang din yung mv nila para dagdag views like mo na rin ha."

"Ewan ko sayo, lumayas ka sa harap ko dalhin mo yang lecheng laptop mo kundi---"

"Kundi ano? Babasagin mo laptop ko? Duh ate. Pinapakita mo lang na ang bitter mo. Bahala ka nga sa buhay mo" inis na sabi ni Zayerica sabay labas ng kwarto ko.

Natameme naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Siguro nga bitter pa rin ako sa nangyari. Pero masisisi ba nila ako? Kung yung taong minahal ko ng sobra-sobra, eh iiwan lang pala ako sa ere.

Ni isang text, o message nga, wala akong natanggap.

Wala nga akong alam na nag-audition pala siya sa SM Entertainment na yan.

Nalaman ko nalang noong naglabas ng announcement yung mga korean page na may magdedebut daw na bagong group at ang matinde unang-una pa yung mukha niya ang lumabas.

Ganun ba kataas ang halaga ko sa kanya para di niya sabihin sa akin? Ganun ba?

Ngayon, tatanungin ko kayo.

Masisisi niyo ba ako kung ayaw ko panuorin yang lecheng music video?

Hindi ko alam, pero hindi ko magawang suportahan siya.

Hindi ko magawang maging number 1 fan niya.

Hindi ko pa kaya.


•♡•
ZAYERICA

Naririnig ko na naman ang mga pag-iyak ni ate.

Akala ko pag pinakita ko yung video, matutuwa siya kasi ilang taon na niyang di nakikita si kuya Taeyong.

Sabi niya dati, ayaw daw niya punuorin yung Be Natural which is andun si kuya kasi di naman daw yun yung unang debut mv niya.

Alam kong masakit yung ginawa ni kuya.

Pero para naman yun sa ikakabuti ni ate.

Gusto ko man sabihin kay ate ang nalalaman ko.

Pero ayoko pangunahan si kuya Taeyong.

Ayoko din na mas lalong masaktan si ate at magmukmok nalang sa kwarto niya.

Ayoko sisihin niya yung sarili niya dahil sa nangyari.

Mahal na mahal ko si ate kaya kahit minsan di ko na matigil yung armalite kong bibig ay ititikom ko para sa ikakabuti niya.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon