CHAPTER 4

17 2 0
                                    

Chapter 4

ZEAVEN

"Time check 9:00. Ang galing naman pala ng ate ko. Oo sobrang galing. Gutom na gutom na ako. Sila mama at papa, tulog na tulog na tapos ako ito hinihintay ka. Pero ate, asan na pasalubong ko?" Litanya ni Zaye sa akin. Ang daming drama. Pasalubong lang pala talaga habol. Agad ko namang inabot kay brat yung dala ko para sa kanya.

"Yieee ate I love you. Ang ganda ganda mo!" Sabi niya sabay yakap sa akin. Kinuha naman niya yung cellphone niya at humanap ng anggulo. Sure ako mamaya nasa instagram at facebook na yan.

Dinalhan ko lang naman kasi Siya ng Hershey's Sundae Pie ng Burgers King at Dark Chocolate Fudge Bar & Java Chip Frappe ng Starbucks. O diba, bagay na bagay sa dark feed niya. Napakagaling talaga ng ate niya.

"Ate ano mga binili mo? Bakit ang daming paper bags? And wow, blooming ka ha. Naks naman ate. Umaasasenso."

"Ewan ko sayo. Kainin mo na yang mga yan at matulog ka na. Magiimpake pa tayo bukas. Good night!"

"Good night ateee!"

~.~.~

"Zeaven at Zayerica mag-ayos na kayo ng maleta niyo. 7:00 ang flight natin bukas. Sakto para pagdating natin dun maglunch na tayo sa hotel tapos mamasyal na kayong dalawa."

"Excited na excited na talaga ako bukas!" Sigaw ni Zaye.

"Zeaven yung mga pinamili mo ba kahapon dadalhin mo sa Korea?" Tanong ni mama

"Opo, nasa maleta ko na po lahat." Sagot ko naman.

"Mama paano pag pauwi na tayo, tapos biglang marami tayong dalang pasulubong?" Tanong naman ni Zayen

"May 20 kilos baggage tayo each. Pero kung kukulangin ipa-package nalang natin." Singit naman ni papa.

Halata sa mga mukha nila na excited na talaga sila. Yung mga luggage nila naka-ayos na. Di ko tuloy maiwasan maging excited sa pupuntahan namin dahil alam ko namang sobrang makakapag bonding ang pamilya namin. Wala na akong pake kung makita siya. Bahala na.

"Ate ang swerte natin kasi dadating tayo ng Korea na spring. Ate, samahan mo ako gumala sa Korea haaa. Jeballl~" sabi niya sabay puppy eyes

"Kadiri ka! Malamang sasamahan talaga kita. Kailangan kung nasan ka andun ka."

"Aalis muna kami ni mama niyo. May bibilhin lang kami sa SM. Kayo ng bahala dito." Sabi ni papa

"Opo"

Pagkaalis nila mama at papa umupo naman ako sa sofa dahil nakakapagod mag-ayos ng maleta.

Nagbukas ako ng cellphone ko dahil sunod-sunod ang notif ng facebook ko at nagulat ako sa nakita ko! Yung picture naming tatlo!!! Ako, si Zayerica at Taeyong. Napakagaling naman mag throwback ni Zaye. Napakagaling talaga.

"Zayerica Michelle! Ano na naman tong pinost mo?! Tinag mo pa ako! Hindi mo man lang sinabi sa akin yang bagay na yan!" Pagalit kong litanya kay Zayerica.

"Ate ano bang masama? Eh matagal naman ng nakapost yun sa facebook, shinare ko lang kasi nakita ko sa Memories." Paliwanag niya

"Nag-iisip ka ba ha? Sikat na yung tao, idelete mo yun ha. Ngayon na! Ano bang habol mo ha? Likes? Shares? Oh common. Wag kang famewhore. Paano nalang pag pinagkaguluhan tayo ng mga fans niyan." Nakita ko namang nanginginig siyang dinelete yung post niya.

"Iiyak iyak ka din ni hindi mo pa nga ata naiisip magiging resulta ng pinaggagawa mo kung di ko pa nakita! Matuto ka sa pagkakamali mo ha!" Tumakbo naman siya agad sa kwarto nila.

Nakakainit naman ng ulo. Jusko naman.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon