MS.DJ [ one shot ]

417 11 1
                                    

-----

“GOOD EVENING!  Listeners. broken hearted ba kayo? O may gustong sabihin sa mga taong mahal ninyo na hindi masabi ng harapan sa kanila? nandito ako para tulungan kayo sa iyong mga buhay pagibig. DJ Cris para tulungan kayo sa mga problema niyo , kaya kung gusto niyong mabawasan ang dinadala niyo jan sa mga puso niyo tumawag lang kayo sa aming hotline na 3432-####. Makakasama niyo ako simula  alas otso ng gabi hanggang alas dose ng hating gabi, at habang nagaantay tayo ng first caller ito muna ang kanta ni Whitney  Houston na  All at once.”

Habang nang aantay ng tawag si Crizza lumabas muna siya upang kumuha ng kape.

“Hoy! Girl grabe ka namang magkape  ang dami niyang nilagay mo.”

Sabi sa kanya ng katrabaho niya na kaibigan niya ding si grace na isa ding DJ sa station na kung saan siya pumapasok.

“Aba ikaw ba namang magdamag dilat, hindi ka magkakape?.ikaw pauwi kana ba?”

Tanong ko sa kanya,tapos na kasi yung oras niya at paniguradong hindi agad yan uuwi.

“Ah, hindi pa  may date kasi kami ni  Lance eh. Gigimik pa kami kasama yung barkada.”

“Geh, kayo na ang may date, ikaw na ang may love life.”

Sabi ko sa kanya na nakasimangot.

“Ikaw kasi kung sinasagot mo na si  James eh di sana may love life kana.”

Sabi niya sa akin na naka ngiti pa, at halata namang nang aasar lang.si James isa sa mga kaibigan ni Lance na nangliligaw sa akin at ilang beses ko na ring nabasted dahil sa kakulitan niya maging kami.

“Alam mo naman na hindi ko gusto sa James diba? At ilang beses ko bang babanggitin sayo na hindi  pa dumadating yung destiny ko.”

“Ay! Sige na nga sabi mo eh, oy best alis na ako najan na si Lance at nagaantay sa akin. Una na ako, BYE!”

Sabi niya sabay beso sa akin at tumalikod na.

 “Geh, ingat and enjoy!”

Sabi ko sabay balik sa pwesto ko para kausapin na yung first caller.

“Here our first caller,  si Sherry  from pasig  19 years old  at isang  HRM student. Hi, sherry.”

Masayang bati  ko sa caller.

“Ah, good eve po DJ Cris. Ano po kasi yung tungkol po sana sa bf ko yung itinawag ko sayo.”

Sabi niya sa akin.

 “Ah, sige umpisahan mo na ang ano ba nag problema mo sa bf mo? Kwento mo na at nakikinig ako.”

“Ganto po kasi yun----------------- ----- ------“

Habang binabanggit niya ang problema nila sa akin ng bf niya, nagiisip naman ako kung anong pwede kong sabihin sa kanya.

“Ah, ganun ba siguro mas mabuti pang pakinggan mo muna yung paliwanag ng boyfriend mo sayo.hindi  yung nakikinig ka lang sa mga sabi- sabi sayo  ng mga kaibigan mo diba? At tsaka sabi mo narin na hindi ka sigurado kasi hindi mo pa nakikita, kaya mas maganda pakinggan mo muna sya.”

At sa wkas na tapos na din ang shift ko, makakauwi na rin ako. Habang  papalabas ako ng booth naka salubong ko si Mike katrabaho ko at siya naman ang susunod sa akin.

“Uuwi kana ba?”

 “Oo, inaantok na din ako, kailangan mag beauty rest hahahha.”

“Kala ko gigimik ka pa eh katulad ni grace.”

“Hindi na masyado na akong high para gumimik pa.”

“Geh, ingat ka na lang sa paguwi mo.”

“Geh, thanks at baka maka tulog na ako dito.”

Habang papunta  ako sa parking lot may inabot sa akin yung guard na bulaklak  nung  tinanong ko naman kung kanino galing hindi din alam ng guard hindi daw nang pakilala. Kinuha ko na lang at dumiretso na sa parking lot habang papunta ako sa parking lot na alala ko na naman siya.

Sa araw-araw palagi  ko  na lang siyang naaalala kasi sabi niya babalik daw siya. At ako naman nag hihintay parin sa kanya, kaya nga hindi ako nag papaligaw kasi sabi niya babalik siya pero parang hindi niya na naalala yung pangako niya sa akin. basta ako siya at hihintayin ko siya.

Papasok na ko ng station namin ng makasalubong ko si grace.

“Hi,best! “

Masayang bati  niya sa akin, sabay pakita ng kamay niyang may singsing.

“Wow! Nagpropose  na siya sayo? Congrats.”

Sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

 “Oo, grabe nakakakilig nga eh! Sige na best baka malate ka pa sa shift mo mamaya ko na lang ikwekwento sayo.”

“Sige, basta kwento mo mamaya ha. At manlibre ka din.”

“Sure,mamaya  kain tayo .”

Hay! buti pa siya  masaya na ako kaya kailan?  Papunta na ako sa booth para kausapin at bigyan ng advise ang mga caller ko nang bigla ko na lang naisip na kailangan ko ng tapusin ang paghihintay ko sa kanya. pero isang gabi may hindi inaasahang pangyayari na magpapabago ng desisyon kong kalimutan na lang siya.

“This is our  last caller  for  to night , hello sino po sila?”

Masayang bati ko sa caller na bagong tawag lang dahil binabaan ako ng caller ko dapat ngayon.

“Hi, good eve. Gusto ko lang po sanang magbigay ng message sa pinaka importanteng babae sa buhay ko kung pwede sana kasi matagal ko na siyang hindi nakakausap.”

Sabi ng caller ko na hindi parin nang papakilala. Pero hinayaan ko na lang siyang magbigay ng message dun sa babae na mahal niya.

“Sige okay lang,pero anu bang pangalan mo?”

“Ah, Gerald ang pangalan ko DJ Cris.”

“Gerald , pwede ka ng magbigay ng message para sa babaeng mahal mo.”

Masaya kong sabi sa kanya. kahit sa loob ko eh nalulungkot ako dahil si Gerald na caller  ko ay kapangalan ng boyfriend kong nasa ibang bansa na halos ilang taon na ding hindi nag paparamdam. Habang nagbibigay ng message si Gerald  nalaman ko rin na ka boses niya din ang boyfriend ko,kaya pinakinggan ko siya habang nag sasalita.

“Sorry, kung hindi ako nag paramdam sayo ng halos ilang taon, sorry  kung pinaghintay kita pero sana hinintay mo ako na makabalik, inisip ko nga bago ako tumawag dito kung meron ka ng iba pero sana wala kasi masakit sa akin yun, pero kung meron na wala na akong magagawa dun. Kasalan ko din naman yun kasi pinaghintay kita.”

Habang nagsasalita si Gerald  nakarinig na lang ako ng tilian sa labas ng booth ko at parang may papalapit sa akin na boses na ka boses ng caller ko.

“Crizza sana wala ka pang iba at sana pumayag ka na makasama kita sa mga natitirang  araw ng buhay ko. Crizza Will you marry me?  Miss Dj   will you marry me?”

Nagulat ako kasi yung caller ko pala at yung bf ko ay iisa lang . at yung taong hinintay ko ng kaytagal ngayon ay niyaya na akong  magpakasal.at kahit na bigla ako sa mga nangyayari isang salita lang ang nasabi ko sa kanya.

“YES, I WILL MARRY YOU!”

END..

Written by : vanz003

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MS.DJ [ one shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon