wrong love (one shot)

2 0 0
                                    

True story of an rp.

Alam mo ba na ginamit kita?nung una wala lang talaga yon kaso si puso eh minahal sya ayaw syang iwan,napahamak tuloy sya,kala nya kase ako talaga ikaw,di nya alam hindi pala.

Matagal kong tinago yon 5months.sa 5 months nayon napaka saya ko,lagi akong naka ngiti lagi ko kasi syang nakaka usap,tapos mag damag pa sumusunod pa sya sakin non,alam mo ba napaka sarap sa pakiramdam ng may nagmamahal ng tapat sayo,na may nag aalala sayo,na may nandyan para sayo kapag nagkamali ka?,na nag papakilig sayo,nag papasaya nang sobrasobra,na nagsasabi na kumain kana, umuwi kana,mag ingat ka, mahal na mahal kita.

Kaso lagi akong natatakot kasi any time pwede syang mawala sakin.dahil gusto ko ng umamin sakanya...nung 5th monthsary namin umamin ako sakanya umamin na hindi ikaw ako.na hindi ako yung nagustuhan nya at di nya alam na ang ka rs nya ay babae inamin ko lahat yon.alam moba nasaktan sya ng todo pero mas doble yon nung nalaman ko na nadurog sya.pero nung diko pa inaamin sa kanya yung totoo ang bigat sa pakiramdam naiiyak ako kasi diba dapat kapag mahal mo dimo niloloko?pero niloko ko sya eh,pinaniwala kong ako ikaw pero hindi naman.nadurog sya nag pupuyat kahit may pasok hindi kumakain,malungkot sa school umiiyak kapag napapatulala,lintik lang!!alam ko yung feeling ng ganyan masakit...mahirap...nakakabaliw.

kala ko pa non wala na kami pero meron pa pala bago kami mag six monthsary tinanong nya ako kung kami pa.sabi ko ewan alam moba kung ano sagot nya saakin. " siguro tayo pa kasi wala namang nangyaring break-up satin diba?!?! Umamin kalang pero walang nakipag-break. So bukas 7. 6months na tayo?" napaka saya ko non kasi kami pa pala ang alam ko kasi sa sarili ko wala na talaga.pero yung kasiyahan pala nayon saglit lang.nung monthsary na namin nalungkot ako narealize ko everything has changed.nag long message ako sakanya non kase monthsary namin eh..kinabukasan alam moba excited akong mabasa long message nya?kaso ang reply nya sakin non alam moba? "Happy 6th months☺" nalungkot ako nung araw na yon parang di namin monthsary wala syang hinandang video message para sakin pero okay lang naman sakin eh.kasi baka di pa sya okay kasi nga gusto kapa nya,baka dipa sya medyo handa para sakin. haha tinulugan nya nga ako non.laging ganon yun scene namin.di sya mag chachat ichachat ko sya ng oy,baby,mahal ko.pero ang sagot nya lang ow.may times na non na ang convo lang namin di umaabot ng 20 chats kasi mag a out sya babalik tapos mag aout ulit.araw araw ganyan pero ako nandito padin inaabangan reply nya hanggang umaga hanggang 12 am.kasi half day lang lagi pasok nila sa school.kaso minsan wala minsan meron.kapag meron naman mag kukwento lang sya sa crush nya chinat daw sya,hinawakan daw yung kamay nya sa school,pinag tanggol sya.sa isip isip ko kaya ko din yon mas higit pa nga doon.kaso wala eh ldr.

Hanggang sa dumating na yung araw na napagod na akong maghintay.tinanong ko sya non."oy ayaw mona ba sakin?kase nasasaktan nako kapag tinatanong kita kung ayaw mo akong kausap.isasagot mo sakin hindi tapos galit kapa"

Kala ko mag sosorry sya yun pala hindi, kala ko sasabihin nya non babawi sya, yun pala hindi..

Hindi kasi di nya pala ako tanggap.

Di nya pa pala ako tanggap di nya kayang makipag relasyon sa babae din na katulad nya.

Huminto mundo ko non diko alam gagawin ko napaka sakit sobra kala ko kasi non wala na pero sabi nya meron tapos bigla syang magiging cold diba..napaka sakit!!
Pero kailangan kong maging malakas kasi ayokong makikita nya akong malungkot dahil alam kong minahal nya talaga ako pero mali lang talaga..

one month had passed kala ko okay nako, kala ko masaya nako pero sya padin yung hinahanap hanap ko yung taong mag aalala sakin, yung taong mag papa alala sakin na mahalaga ako sa mundo.. yung taong magbibigay sakin ng lakas, yung taong laman ng ngiti ko, yung taong nag titiwala sayo ng buo, yung taong kahit galit na sayo ang mundo pero nandyan parin sya sa tabi mo.

Eto ako ngayon nasasaktan padin..

Umaasang hinahanap hanap nya padin ako..

Umaasang mahal nya padin ako..

-end-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon