Chapter 1

5 0 0
                                    

"CANDIDA!!" Hay, heto na namn po tayo.

"Bakit ma? Sabing Candice mama eh." Angal ko habang naglalakad papunta sa kwarto nila ni papa.

"Kelan ka luluwas ng Manila?"

"Pinapaalis niyo na po ba ako?"

"Nagtatanong lang. Wag kang over."

Napatawa ako at umupo sa paanan ng higaan nila mama. Hayun siya, nililigpit ang gamit ko at pinapasok sa maleta.

"Bukas po ma. After lunch. Hahatid ako ni kuya ma."

"Aba dapat lang." At sinara na ni mama ang zipper ng maleta. "Oh, eto. Okay na yan. Lahat diyan bago ah."

"Okay po." Inabot ko na rin ang maleta.

"Ma, Casey, baba na kayo. Kakain na tayo." Sigaw ni papa mula sa baba. Nakasanayan na ni papa na "Casey" ang tawag sa akin.

Sabay kaming bumaba ni mama at tumungo sa dining kung saan nakaupo na sina papa at Enzo, nakababata kong kapatid. So bale, tatlo kami. Kuya Samuel, ako at si Enzo.

Hindi naman nagkakalayo ang edad naming tatlo. 20 years old na si kuya, 17 years old naman ako at 15 years old na si bunso.

Bago tuluyang kumain, nagdasal muna kami para magpasalamat sa biyayang aming natanggap. At chibugan na!!! Mas sumarap din ang kainan dahil sa usapan.

"Ate Casey ha? Ang mga paalala ko sayo." Anunsyo ni papa.

"Aye aye, captain!" At nag-salute pa nga ako.

Umiling-iling ito at nagpatulot na sa pagkain. Maya-maya'y nilagay na ni Manang Daisy, katulong namin, ang juice sa mesa.

"Kain po tayo, manang." Pag-aya ko.

Nguniti ito at tumango. Umalis din naman agad ito. Hindi naman masyadong mainit ang tanghali dito sa amin sa Tagaytay, tamang-tama lang ang juice. Hindi namin kasabay si kuya ngayon dahil busy pa ito sa paperworks niya.

Matapos naming ligpitin ng pinagkainan namin, tumungo kami sa taas, sa sarili naming mga kwarto.

Kapag pumasok ka sa kwarto ko ang unang makikita mo ay ang higanteng portrait  kong lumilipad sa gitna ng court at handa ng paluin ang bola.

Ganito ko kamahal ang paglalaro ng volleyball to the point ito na ito na ang nagpapaaral sa akin. Na-enroll ako ngayon sa pribadong unibersidad at scholar dahil sa larong 'to.

Nasa gitna ang kama ko, katabi nito ang bedside table na merong lampshade at candies. Nakatapat dito ang tv, napapagitnaan naman ang tv ng dalawang kabinet. Ang isa para sa sapatos. Meron din akong study table at lalagyan ng trophies. Meron din kaming sariling banyo.

Naisipan kong maligo kaya kinuha ko ang bathrobe ko at tumungo sa cr. Hawak-hawak ang phone, tinext ko ang kaibigan kong mamamasyal kami at pumili ng kanta. Nilagay ang phone sa salamin kung saan may kalalagyan ito at binuksan ang shower curtain para makapag paligo na 'ko.

Nagbabad ako sa bath tub ng ilang minuto bago maligo ng bahagya.

Matapos kong maligo, nagbihis na ko't bumaba upang magpaalam kila mama't papa. Sinabihan nila ako ng konting paalala, isa na dun ang hindi paglagpas sa curfew ko. Tumango at humalik ako sa mga pisngi nila at tuluyan ng umalis.

Chineck ko ang phone ko nung malapit na kong makalagpas sa kalye namin. meron akong 2 messages lahat galing kay Aivee. Ang bestfriend ko. Siya rin ang tinext ko kanina bago malligo.

From: Aivee <3

Nandito na kami. Kasama ko nga pala si Mico. Peace :)

Asan ka na?!?!?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon