Prologue

7 0 0
                                    

Nandito ngayon ang buong team. Sa loob ng napakalaking arena, malapad at puno ng ilaw. Nagpipigil ng kani-kanilang hininga sa huling resulta ng laro namin.

Nasa aking mga kamay nakasalalay ang tagumpay ng grupo. Sa akin din nakasalalay ang kabiguan nito. I can either make or break this championship --our championship.

Pumito na ang referee, senyales na upang mag-serve. Tinignan ko ang bola, huminga ng malalim, pinagmasdan ang kalaban at tumakbo; kasabay nito ang pagpalo ko ng bola.

Nakarating sa kabilang court ang service ko. Nakuha niya ito ng maayos at pinasa sa setter. Maganda rin ang pagkaka-set nito. Naka handa na kaming lahat upang saluhin ang palo niya pero...

"Mine!"

Kasabay ng pagkakasigaw ko nito ang pagsalamoak ko sa sahig. Hindi kasi malakas na palo ang binigay nito gaya ng inaasahan namin kundi off speed.

Mukhang maayos naman siguro ang dig na ginawa ko dahil naisalba namin ang bola kaya patuloy ang matagal na rally.

Naibalik sa amin ang bola. Free ball. Maayos na maayos ang binigay ng kasama ko sa setter ngunit imbes iset ay dinirecho nito sa kabilang court ang bola. Lahat nakatutok sa pagbagsak nito sa lupa.

Naghiyawan ang lahat. Napatingin ako sa iba ko pang ka grupo. Sigawan, hampasan at hiyawan. NANALO KAMI!!

Sa gitna ng kasiyahan, pumito ang referee. Isang napakabigat na katahimikan ang bumalot sa arena. Naghihintay ang lahat sa sasabihin ng referee.

Umiling ito at binaling ang desisyon sa kalaban. Puntos para sa kanila. Napuno ng bulungan sa loob ng arena. Na bigla ang lahat sa anunsyo nito.

Napabaling naman ang atensyon namin sa screen, para tignan ang replay, natamaan ng setter namin ang net. Considered net violation. Nanlumo ang lahat. Patas ulit ang score kaya two-to-win na naman.

Opponents turn. Service. Halatang na pe-pressure ang server dahil nanginginig ang mga kamay nito. Nang hinagis niya ang bola, napangiti ako dahil isang service error ang pinakawalan niya. Napayuko ito at halatang naiiyak na.

Rotation. Nag-serve ang kasama ko, naibalik ang bola at nakuha din ito ng libero namin. 26-27 ang score. Sa gulat naming lahat, imbes na sa open spiker ibibigay ay dinirecho niya ito sa backline. No choice ako kundi ang umatras at patalong hinampas ang bola. Hindi ito nakuha ng kabilang court kaya tado hiyawan ulit.

This time meron ng confetti. Umulan ng hiyawan, tawanan at iyakan ang arena. Hindi ako makapaniwala, nanalo kami!!

Maraming yumakap sa akin. Nag-congratulate at pumuri sa galing ko. Nakaka-flatter naman. Nag-shakehands ang magkabilang grupo at dumerecho sa kanya-kanyang dugout.

Isang medalya at certificate na naksulat ang matagal ko ng gusto, MVP of the year. Ganito natapos ang 4th year ko.

Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon