My 3rd one shot story.. Enjoy! :))
Ako si Tin. 18 years old. Serious type, di kasi ako palatawa. Mabait naman ako, palagi nga lang nakasimangot. Paano kasi, yung parents ko, nilipat ako Ng school nung 3rd year na ako sa pasukan. Sa Far Eastern University. Papunta ako ngayon ng 7/11 para bumili Ng pagkain.. Nang makita ko na yung hinahanap ko, kukunin ko na sana ito ng biglang....
"Sorry miss, ako nauna dito eh" Sabi nung guy..
"Huh?!" Yan lang nasabi ko..marami pang sinasabi yung lalaki pero di ko nalang pinakinggan. Nakakairita eh! Kaya lumabas nalang ako at naglakad papuntang school.Biglang tumawag sakin yung guy at sinubo sa harap ko yung favorite food ko.. Kaya tinadyakan ko yung ano nya.. Namimilipit naman sya sa sakit .Hah! Buti nga sakanya! Umalis nalang ako...
"Miss!" Lumingon naman ako.. "Ang cute mo naman! Like na ata kita.." Sinamaan ko naman sya Ng tingin.. Huh! Ang feeling nya naman! Akala mo gwapo!! Eh para nga yung kalabasang na-flat eh!..
Unang klase....
Nasa labas na ako Ng room ko at pinihit yung door knob para makapasok na ako..Nakakahiya naman dito..Lahat sila nakaingon sakin. Buti nalang may dalawang babae ang kumaway sakin..Ang friendly naman nila..kaya I waved back at them.. Nag offer sila Ng upuan..kaya nakaupo ako sa tabi nila.. Okey na rin to, may friends na ko. Ayun.. Nagkwentuhan lang kami about sa mga bagay bagay..
Sa C.R.
Nag-aayos muna ako Ng sarili ko.. Alam nyo na, just doing some girly stuffs.. Habang nagpupulbo ako, may lalaking bumukas sa pinto Ng pambabaeng CR at sinabing, "Kahit anong Ayos mo, di kA na gaganda! Hahahahahah!!" Wait, namumukaan ko to ah.. "IKAW?!" Sigaw ko.. "IKAW DIN?" sabi nya.. Sya yung kumuha Ng favorite food ko!!! Sayang nga! Nag-iisa nalang yun eh! Kinuha pa Ng mokong na to! "Ikaw na naman lalaki kA? Anong ginagawa mi dito?" Sabi ko.. " Eh ank ngayon? Eh dito ako nag-aaral, eh ikaw?" sabat nya.. "Ano pa ba? Edi nagpupulbo! CR Ng babae to eh! Umalis kA nga dito!" Sabi ko naman..Aba! Di kaya ako nagpapatalo.. "Sorry naman! Akala ko kasi kaklase ko eh.." Sabi nya.." Bulag kA ba? Manyak kA! Umalis kA na dito! Sisigaw ako, Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" at yun.. Umalis na sya. Hah! Buti naman natakot..
Mark's POV
"Anyare dun? Parang baliw!" Sabi ko.
Ako nga pala si Mark. Yung si Machete..Joke lang!! Hahah..Mark, yan ang pangalan ko. Ang pinakagwapo at pinakapasaway sa klase pero popular ako no! Sa kulit Kong to, kaya kilala ako Ng lahat,lalong lalo na sa guidance. Suki ako dun eh, pero sa sobrang sipag ko, araw araw akong present dun..Bestfriend Ng parents ko yung mga tao dun. Actually, mabait naman ako, maloko lang talaga. Masayahin kasi akong tao. Hilig akong mangulit. May nakilala nga ako kanina eh. Ang sungit! Akala mo araw-araw may dalaw..
Pangalan nya ay Tin. Tinutukso nga ako Ng mga Kaibigan ko sakanya eh. Kaso impossible yun. May girlfriend na ako eh :) Hindi ko pa nga lang sya nakikita. Pero mag-iisang buwan na kami... :) Teka, itetext ko muna sya...
To: Mahal
Mahal ko, magkita naman tayo oh. :((
*Beep*
From: Mahal
Hindi pa pwede ngayon mahal ko, busy pa kami sa school eh.
Sayang naman...gusto ko na sya makita eh! Nasa school grounds ako ngayon..nagpapahangin... Ng may biglang lumapit sakin..
"Huy, anong ginagawa mo dito? Mang-aaway kA na naman?" Sabi niya..
"Wala ako sa mood pagtripan kA ngayon." Sabi ko...
Umupo sya sa tabi ko
"Naguidance kA na naman no? Nakabusangot kA kasi." Sabi nya..
"Hindi.. Hindi naman" sagot ko.
"May pinagtripan kA na naman sa CR no?" Ano ba to? Interview??
" Hindi.. Wala kA naman dun eh. " Sabi ko.
"Anong sinabi mo?!!" Nabigla ata sya sa sinabi ko...hihi
"Wala, joke lang. Eto naman, iwan mo na nga ako!" Sabi ko
" Ba't ba kasi? Ano bang problema mo? " Sabi nya...
"Wala!" Sagot ko
"Wag kang mag-alala, mahal kA naman nun." Sabi nya..
"Di nga eh." Sabi ko naman..
"Weh? May gf kA pala?? Sa ugali mong yan?" Di makapaniwalang tanong..
" Oo naman. Mahal na mahal ako nun eh. Tsaka mahal ko rin sya." Sabi ko.. Eh sa totoo naman eh!
"Asuss! Nangarap Ng gising!" Sabi niya.
" Oo nga! Gusto mo tawagan ko pa eh." Sabi ko..
"Sige GO! " Go talaga! Tatawagan ko talaga sya..
Tin's POV
"Sige GO! " Sabi ko sakanya..
Kinuha nya na yung CellPhone nya habang ako naman ay busy sa pagkain kong chewing gum.. Hahaha.. Eh sorry naman! Di lang naman mga bata ang may karapatan kumain ng chewing gum eh..haha... Napatigil ako sa ginagawa ko Ng nagvi-vibrate yung phone ko..tinignan ko naman kung sino ito.. And to my surprise, tumawag salin yung boyfriend Kong di ko pa nakakita..Mag-iisang buwan na nga kami eh...
Teka, di kaya??
Oh noes!!!!
Dahan-dahan naman akong lumingon sa tabi ko... At parehong gulat ang expression Ng mukha namin....
SYA NGA YON!!
__ So, kamusta yung story?? OK lang ba?? Hahaha.. Thank you for reading!! Please vote and comment :))
-@ellynpatricia
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionPlease support me on my stories guys.. Some of my Stories are Tagalog... But most of them are English..So, yeah! Follow.. Vote.. Comment.. Share..