Chapter 3

587 16 4
                                    

Akala

Maaga akong nagising para hindi ma-late sa pagpunta ng mansyon. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako. Simple white t-shirt at jeans ang aking suot. Tinernuhan ko iyon ng tsinelas. Nakalugay pa ang buhok ko dahil basa pa.

Lumabas ako ng kwarto at tumambad sa akin ang maingay na bangayan ni mama at Tito Ramon.

"Sabi ng pahinging pera!" Sigaw ni Tito.

"Wala na akong pera! Nagsusugal ka na naman!" Balik sigaw ni mama.

Agad akong umawat at pumagitna sa kanila. Kahit na ganito ang pamilya ay ayoko silang nag-aaway. Lumabas si Gino na humihikab. Nagising yata sa away nila.

"Tama na po!" Awat ko ng akmang sasampalin ni Tito si Mama. "Heto po ang pera." Nanginginig ang kamay kong kinuha ang pera sa bag ko. Limang daan iyon. Budget ko na sana para sa ilang araw pero ngayon mapupunta sa sugal.

"Buti pa 'tong anak mong putok sa buho may pakinabang." Aniya saka ako tinapik sa pisngi. Umilag ako. Ngumisi siya saka binulsa ang pera.

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na si Tito Ramon. Lagi namang ganito ang eksena namin. Madalas niyang inaaway si mama minsan ako ang pinagbubuntungan ng galit niya lalo na kapag lasing siya. Buti na lang hindi niya pinagbubuhatan ng kamay mga nakababata kong kapatid.

Binalingan ko ng tingin si mama. Mabibigat ang hininga nito habang inaayos ang nagulong buhok dahil sa pagkakatulak ni Tito kanina.

"Ma, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko siya sa kamay pero tinabig lang niya.

"Pa bida ka rin ano?" Sarkastikong sabi niya. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Po?"

"Gusto mo ikaw ang bida. Edi magaling tuwang tuwa ang TITO Ramon mo." Nanunuya niyang sabi. Tinulak niya ako para makadaan siya. Hindi ko inaasahan iyon kaya napaatras ako.

"Ma!" Awat ni Gino. Niyakap niya ito sa magkabilang braso para pigilan si mama.

Napaawang ang bibig ko habang pinapanood si mama. Hindi ko lubos maisip na ganon pa ang iisipin niya. Ang gusto ko lang naman ay tigilan na siya ni Tito para hindi na sila mag-away!

"Ma..gusto ko lang kayong tulungan." Paliwanag ko habang si mama ay panay ang iling at matalim ang titig sa akin.

Gusto ko lang namang makatulong. Masama bang ibigay ang ipon ko para di na sila mag-away ni Tito? Mali bang tumulong para wag na siyang pagbuhatan ng kamay?

"Gino, magsaing ka na." Ani mama habang galit na nakatitig sa akin. Binalewala ang paliwanag ko. Tinulak niya ng bahagya si Gino para makawala. Natulala na lang ako ng iwan kami ni mama.

Mabigat sa dibdib na mismong ina mo lagi kang tinataboy. Nanghihinang napaupo ako sa silyang katabi ni Gino. Dinaluhan niya agad ako ng makitang naiiyak na. Pakiramdam ko may bato sa lalamunan ko at kahit na anong lunok ko ay di mawala.

"Ate.."

Hinaplos ako sa likod ni Gino. Buong buhay ko binigay ko para lang mapatawad niya ako sa kasalanang hindi ko sinasadya. Kung pwede lang ako na ang pumalit kay tatay. Ako na lang sana ang nasa puntod habang tinitirikan ng kandila. Nanariwa na naman ang sakit ng kahapon na ilang taon ko ng binaon.

"Okay lang ako. Magsaing ka na." Tumingala ako para makita si Gino. Nag-aalala ito sa akin kaya pilit akong ngumiti para ipakitang okay lang ako. Kahit na nagingilid ang luha ay pinigilan ko iyon para di makita ni Gino.

Tumango siya saka ako iniwan. Nagbago lang naman si mama ng mamatay si tatay. Alam ko mahal na mahal niya ito. Isang araw pagkakamali ko lang ay nawala si tatay.

RuinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon