Upo ka.
Mag-usap tayo.
Six years na rin ano?
Mula nang ika'y aking iboto.Upo ka.
Kumusta trono mo?
Komportable ba? Masaya ba?
At teka, diba dapat tinatanong mo rin ako?Upo ka lang.
Huwag kang tatayo.
Baka kasi makita mo ang kalapastangang ginawa mo sa bayan ko.
Ayokong makonsensya ka dahil siguradong damay ako.Ayan, sige, umupo ka lang.
Huwag lang gagalaw, huwag kang magsasalita, mabuti kung Hindi ka na rin huminga.
Gusto ko lang na nakaupo ka.
Sulitin mo na ang tiwalang binigay ko sa'yo na wala kang ginagawa.Upo lang muna tayo.
Ikaw, diyan sa komportableng trono mo.
Ako, dito sa nakasanayan nang kariton ko.
Pero sa susunod, magpalit naman tayo.