POV of Rich
"Okay ka lang ba? Alam mo mabuti pa tulungan na kita, san ka ba papunta? Akin na ako ng magbitbit nitong mga to." Sabi ng lalakeng nakabunggo sa akin kaya nagkalaglagan lahat ng dala kong libro. Ako nga pala si Drex, ikaw anong pangalan mo?"
"Ako si Richel." Pakilala ko sa kaniya.
(Present)
"Ate, yung baon ko?? Si ate talaga oh tulala na naman." Sabi ng kapatid ko.
"Oh hayan na yung bente mo. Huwag kang bibili ng chichirya at softdrinks ah!" Bilin ko sa kapatid ko sabay abot ng pera.
"Eh ate kahit nga tinapay wala akong mabibili sa bente pesos na ito eh. Salamat Ate!" Banat ng makulit kong kapatid. "Teka ate! Ano nga ulit yung paborito mong kulay??"
Si Rachel ang kapatid kong babae. Grade 5 pa lang yan ang kulit kulit na at may kaligawan na agad ah. Maganda kasi, syempre kanino pa ba magmamana eh di sa kagandahan ng Ate Richel niya diba.
"Rich, pinapatawag ka ni Ma'am Providencia, kakausapin ka yata tungkol sa grades mo. Hala ka baka puro bagsak ang exams mo!" Pananakot sa akin ng kaklase ko.
Ano ba to? Hindi kaya tatanggalin na nila yung scholarship ko kasi may isa akong line of 8?? Huwag naman sana. Lord, please help me!
"Pasok ka. Umupo ka Richel, alam mo natutuwa kaming mga teachers mo sayo kasi nakikita namin na masipag kang mag-aral." Bungad ni Ma'am Providencia.
"Ehhh Ma'am bakit niyo po ba ako pinatawag? Tatanggalin niyo na po ba yung scholarship ko?" Tanong ko kay Ma'am, medyo apurado lang. Hindi na kasi ako makahinga sa kaba eh.
"Ahhhh hindi hindi! Gusto lang namin sabihin sayo na na-aprub yung full scholarship mo!" Magandang balita ni Ma'am sa akin.
"Ehhh Ma'am paano po nangyari yun? Akala ko po ba half lang po ng tuition ko yung maleless sa pagtatrabaho ko bilang student assistant sa canteen?" Tanong ko kay Ma'am. Pero hindi na magkasya ang tuwa sa dibdib ko.
"Pumayag na ang mga board members ng school na mapasok ka sa star section, kahit na transferee ka lang eh napatunayan mo na deserve mo ang mapunta doon. Dahil nasa star section ka na ibig sabihin full scholarship ka na at hindi mo na kailangang mag student assistant sa canteen." Sagot ni Ma'am Providencia. Hala! Kapag talaga nagpaulan ng biyaya ang Panginoon, sobra sobra!(1) one message from Jigo
Openning message...
From: Jigo
Congrats! Balita ko nakuha mo na yung full scholarship na hinihintay mo. Pa candy ka naman diyan kababata.
To: Jigo
Paano mo nalaman? Sige ba mamaya lilibre kita ng candy. Sampung yellow na maxx candy.! Asan ka ba magkita kaya tayo??
Message sent...
(1) One new message from Jigo
Openning message...
From: Jigo
Hindi pwede eh. Nandito kasi kami sa Mall. Nagtitingin ng pangregalo kasama ko si... ah wala ako lang pala mag-isa. Sige na kita na lang tayo bukas sa likod ng Library.
Sa Canteen
"Nako! Mukhang tuluy na tuloy na nga ang pag-iwan mo sa amin. Basta ah palagi ka pa ring dadalaw dito sa canteen kapag may libre kang oras ah." Pagdadrama ng kasamahan ko sa Canteen, ang pangalan niya ay Gloria pero Glo kung tawagin namin siya.
BINABASA MO ANG
Close Enough
Teen FictionMerong mga bagay na dumadating sa buhay natin na aakalain mong dapat nating hawakan pero bandang huli kakailanganin din pala nating bitiwan. May mga lugar tayong pilit na nilalakad pero sadyang nililigaw lang tayo hanggang sa mapagod na at sumuko. K...