Chapter 4: New Life

39 0 0
                                    

Chapter 4: New Life

Daphne's POV


Kagaya ng sinabi ni Mommy magbabago ang buhay namin within a week.

Nung araw na yun hindi na ko naka-attend ng graduation ko.. Nalaman nalang namin na nalugi at bumagsak na pala ang business ni Daddy. Collateral sa bank ang bahay at lupa namin at lubog na lubog kami sa utang..

Gabi-gabing lasing si Mommy. Hindi ko sya masisisi dahil sa dami ng problemang dala nya..


Last day na namin dito sa bahay ngayon. Wala ng natira samin.

Kukunin ng bangko ang bahay, lupa, mga sasakyan at lahat ng ari-arian namin.

Niyakap ko ng mahigpit ang mga signature bags, clothes at shoes ko. Napaiyak ako ng makita ko ang mga collection ko ng mga Nike na shoes. Never in my life kong naimagine na iiwan ko ang mga babies ko..

"sorry mga babies, tatlo lang ang madadala ko sa inyo." at pinili ko na ang pinaka-favorite ko sa gamit namin

Tiningnan ko ang dalawang malaking travelling bag na nakaimpake sakin. Most of them are pambahay lang then konting pang-alis at I think 2 dress lang. then dinala ko ang tatlong favorite kong rubber shoes, dalawang favorite ko na jansport na bag at isang dollshoes lang. I dont bring high heels with me, feeling ko kasi hindi ko na din magagamit.

"anak, aalis na tayo.." katok ni Mommy sa room

"yes Mom."

Tumayo ako at dinala ang mga travelling bag ko.

Pagkababa ko ay nakita ko dun si Mommy na karga si Dimple kasama si Drake at Manang. Pinalipat na din ng amo ang ibang katulong namin...

Sabi ni Mommy, dun nalang daw muna kami sa dating bahay nina Manang.


Kung saan.. hindi ko alam..


Sumakay kami ng taxi.. Sinabi ni Manang ang lugar na hindi ko matandaan.. Ilang kanto ang nilikuan namin.. malayo sa subdivision na tinitirhan namin..

Pumasok ang taxi sa isang magulong lugar. Squatters area..

Tumigil ang taxi nung sabihin ni Manang. Nagbayad si Mommy ng pamasahe namin at bumaba na kami.

"lumakad lang tayo ng konti at nandun na tayo." sabi ni Manang at tumango naman kami.

Pumasok kami sa isang masikip na eskinita at pagpasok namin ay bumungad ang magulong lugar na magkakadikit ang bahay. May mga batang nakahubad, mga nanay na nagchihismisan at mga lalaking nagsusugal at nag-iinuman.

Sumunod lang kami sa paglalakad kay Manang.

"nandito na tayo." sabi nya na binuksan ang isang pintuan.


Tiningnan ko ang bahay.. maliit, madumi, mabaho. Isang barong-barong.


Bagong bahay. Bagong buhay.

Kakayanin ba namin??


---


Hindi ako makatulog ng gabing yun.. Mainit, masikip at matigas ang hinihigaan. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Drake habang nasa tabi nya si Dimple, marahan ko silang pinaypayan.

She's a Thief [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon