Chapter 3: The Break-Up

32 1 0
                                    

Chapter : The Break-Up

Daphne's POV


"Lets break up.."


Natigilan ako sa sinabi nya..

"Tell me you're kidding.." hindi makapaniwalang tanong ko

"No. Daph, this is real. Matagal ko ng gustong sabihin toh sayo pero hindi ako makahanap ng tyempo.."

"why?" yan lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko

My parents didn't like you for me anymore.. and I don't love you anymore.. besides Vanessa and I are together.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang nabasag ang puso ko sa narinig ko.. Masakit na makita silang magkaholding hands kanina pero mas masakit yung marinig mismo sa bibig nya ang mga salitang yun...


Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakanya.

"THAT's BULLSH!T! wala kayo nung mga panahong kailangan ko ng karamay! tapos eto ang madadatnan ko, kayo na ng isa sa mga bestfriends ko? ha!" nailing ako ng hindi makapaniwala, "fine. break kung break. JERK!!"

With that umalis na ko sa harapan nya. Pagkatalikod ko tsaka tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.. Ang alam ko lang nakarating na ko sa may dulo kung saan wala ng mga students..


Dito ako umiyak ng umiyak.

"hay ang ingay naman!"

Napatingin ako sa lalaking mukhang kagigising lang..

Nag-inat pa sya tsaka tumingin sakin.. Sa unang tingin ay isang College student na sya. Naka-uniform pa ng pang-pulis.. Pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"hmm. tumakas, kami ang mag aasikaso ng security ng school nyo para sa graduation bukas. Ang boring.." dagdag pa nito, "hala bakit ka umiiyak??" nataranta pa sya na lumapit sakin


"madaming rason para umiyak ako! umalis ka na nga dito!" mataray na sabi ko

"hala wala akong panyo dito ehh.. teka.." kinapa-kapa nya pa ang bulsa nya, "eto nalang oh baka magamit mo.."

Inabot nya sakin ang isang brown na tissue. Tissue ng isang fastfood chain =_____= Niloloko ba ako nito??

"Nigel tara na! kanina ka pa nila hinahanap!" sigaw nung isang gwapong lalaki na naka-uniform din ng pulis

"susunod na ko!" sigaw nitong lalaking kasama ko tsaka bumaling sakin, "Miss mukhang mabigat ang problema mo." sabi nya na tinatapik pa ang balikat ko, "alam mo ba kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin???" sandali syang nag-pause at ngumiti sakin, "kasi may bago at mas better na dadating.."

With that binatukan ko sya. Great! Nakakapagpagaan ng loob ang lalaking ito..

"aray naman.." reklamo nya na nakanguso pa

"get away from me.."

"payn. ikaw na nga ang binibigyan ng advice ehh tsk tsk." naiiling na sabi pa nya tsaka tumayo at nagpagpag

"una na ko.. eto oh"

Nagulat ako nung may binato sya sakin.. buti nasalo ko naman ito..

"apple??"

She's a Thief [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon