Chapter 10

5K 89 44
                                    

Blue Brothers

(Chapter 10 – Blue Christmas)

 

Some scenes may contain mature language and may not be suitable for very young readers. Parents strongly cautioned. 


Tatlong buwan na ang lumipas mula nung namatay si Johnny. It’s already the month of December at simula na ng Christmas vacation ng mga students ng St. Patrick’s Academy. They usually start the vacation one week earlier compared to other schools.

At dahil bakasyon na, one month din muna silang aalis ng school to live at their official residence, the Blue Sky Mansion. Ito ang itinayong bahay ng lolo nina Tom, complete with a spacious garden and a lakeside view which rivals the land area of the Malacanang compound.

Their vacation starts with Shiro’s 16th birthday. Matagal nang naplano ang event na ito kaya guests na lang ang inaantay mamayang hapon.

The four brothers went there by riding on their blue luxury cars, with their own personal drivers. Pagbaba nila, they were welcomed by their personal maids.

“Master Shiro! Happy birthday!” natutuwang sigaw ng kanyang personal maid na si Erika, sabay yakap sa binatilyo.

“Thank you po! Na-miss ko po kayo, pati ang luto niyo!” natutuwang sagot ni Shiro.

“Naku, merong tempura at salmon sashimi mamaya. Siguradong matutuwa ka.” sabi ni Erika.

“Wow! Salamat po!” sabi ni Shiro.

“Sir David! Na-miss ko ang alaga ko!” sigaw naman ng personal maid na si Brenda.

“Kayo rin po.” nakangiting sabi ni David.

“Señorito Carlos! El guapo!” nakangiting sabi ng kanyang personal maid na si Esmeralda.

“Gracias! Nakahanda na ba ang tanghalian?” sabi ni Carlos.

“Ay, opo señorito! Teka, sino yang kasama niyo? Yan ba yung Tom?” nagtatakang sabi ng maid.

“Oo. Tara na, nagugutom na ako.” sagot ni Carlos.

“Pronto! Alam niyo, mas gwapo pa rin kayo sa kanya. Diba galing siya ng probinsya? Alahera daw ang nanay niyan eh.” sabi ng maid ni Carlos. Ngumiti lang ang binata.

“Hoy, Esmeralda! Ke aga aga, chismis na naman ang inaatupag mo! Hala, sige! Maghain ka na ng tanghalian!” pagsasabi ni Maria.

Agad namang lumapit si Maria kay Tom. May katandaan na si Maria. She has been in service for more than 40 years. Siya na ang nag-alaga at nagpalaki kay Johnny.

“Magandang hapon! Ako si Maria, at simula ngayon, ako na ang magiging personal maid ninyo. Karangalan kong pagsilbihan ang panganay na anak ni Ginoong Johnny. Ano ang gusto niyong itawag ko sa inyo?” nakangiting sabi ni Maria.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon