Chapter 19

4.2K 71 44
                                    

Blue Brothers

(Chapter 19 – When the World Turns Its Back)

 

 

Makalipas ang isang linggo, bumisita ulit si Carlos sa office ni Natalia without others knowing it. This time, kasama na niya ngayon ang kanyang anak na si Alfonso, or Fonsy for short. Dinala niya ang bata para ipakita ito sa kanyang lola.

“Come to grandma, Fonsy! Cute little boy!” natutuwang sabi ni Natalia sabay buhat sa anak ni Carlos.

“Sana mahalin niyo rin siya.” nakangiting sabi ni Carlos.

“Of course. Kadugo ko rin ‘tong batang ‘to. He deserves to be loved.” nakangiting sabi ni Natalia sabay halik sa pisngi ni Fonsy.

Aliw na aliw si Natalia sa bata dahil mestizo ito.

“Natutuwa ako sa mga ginagawa mo para mapalapit sa ‘kin. But I really want to make sure na sa ‘kin na ang loyalty mo.” nakangiting sabi ni Natalia.

“Hindi pa ba ako loyal sa inyo?” tanong ng binata.

“Hmm… ewan. Ganito na lang. To make sure, I want to ask a simple favor from you. Pag nagawa mo ‘to, then mapapanatag na ang loob ko.” sabi ni Natalia.

“Ano ‘yun?”

“Bring me… Tom’s golden compass!” natatawang sabi ni Natalia.

Napalunok si Carlos nang di oras. Nagulat pa nga siya kung paano nalaman ni Natalia ang tungkol sa mga jewelries. Pero dahil sa kagustuhang makuha ang loob ng kanyang ina ay napatango na lang siya.

**********************

The next day, hindi mapakali si Tom. Natataranta na siya at pinagpapawisan. Pauli-uli siya sa kwarto at ginugulo ang kanyang mga gamit. Pati ang closet at ilang mga drawers ay binubuksan na niya.

“Anong nangyayari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Carlos.

“Yung compass! Nawawala!” kinakabahang sabi ni Tom habang patuloy na hinahalungkat ang mga gamit niya.

Tinamaan na kaagad ng guilt si Carlos. Awang-awa siyang makita si Tom na naghahanap sa isang bagay na hindi na muna niya makikita pansamantala.

Kunwari ay tumutulong siya sa paghahanap para lang damayan ang kapatid, pero hindi rin siya nakatagal.

“Baka naman naiwan mo lang kung saan. Ipahanap mo na lang sa mga maids.” sabi ni Carlos.

“Mabuti pa nga. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ko ‘yun.” malungkot na sabi ni Tom habang pinagpapawisan.

Lumabas na lang si Carlos at hindi na nagpaalam kung saan pupunta. Sa sobrang pagkataranta ni Tom ay umalis na din siya ng kwarto para maghanap sa labas. Baka nga naman kung saan niya lang nailapag.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon