Chapter 7
Nakatingin lang sakin ang dalawa at mukhang malulungkot. Naguguilty daw sila dahil sa nangyari sa akin. Obviously I already have a record. And because of me, my friends were safe from having one. Makakalusot naman talaga. Minalas lang siguro talaga dahil nandoon din ang lalaking walang binigay sakin kundi kamalasan at kapahamakan.
I was lucky Papa didn't get mad. He never gets mad at me, actually. Sinabi niya na wala akong dapat ipag-alala dahil hindi naman daw grabe ang grave noon lalo pa't 17 years old narin naman ako. Pero para narin lumubag ang loob ko ay inamin ko sa kanya ang totoo bago kami tuluyang maghiwalay kagabi. That someone gave us that fake ID. He let that go anyway.
Hindi ko na sinabing si Ivan ang nagsumbong sa akin at baka kampihan pa niya ang lalaking iyon!
Even if I want to stay away from that guy, it seems like our world is getting smaller. And I feel like I can never live normal knowing he's just around.
"Umayos nga kayo. Para naman kayong mga ewan jan." sabi ko sa dalawa na malungkot padin ang mga mukha.
"Sorry din daw sabi ni Dwayne."
"Hindi niyo naman nga kasalanan."
"Pero sino ba yung humatak sayo? Hindi na kami sumunod kasi akala namin kakilala mo. Nako kung nakita ko lang yon masasapak ko siya." I might do that as well kapag nakita ko ulit ang pagmumukha niya.
"It's no one."
Nagkatinginan ang dalawa. Alam kong curious sila pero hindi na sila nagtanong pa tungkol doon dahil guilty parin sila sa nangyari.
Pagkabalik namin sa classroom ay ibinalita sa amin na hindi makakapasok ang teacher sa isang subject kaya walang ginawa ang klase naming kundi magdaldalan.
Inilabas ko ang sketchbook ko at nagdrawing lang. Sa kalagitnaan ng pagiging abala ay may pumasok na teacher sa amin.
"Take your seats, everyone." Agad na sumunod ang mga kaklase ko sa kanya. "I would like to inform you that we were chosen by the College Board as one of the Scholastic Assessment Testing Center. This will be held in one month time. So for those who want to take the exam, I'll leave you here a list of the requirements that you must submit online." Lumapit si Kaylie kay ma'am para kunin ang list pagkatapos ay umalis na siya.
My classmates went back to their business. Ako at iilan lang sa aking mga kaklase ang nagkainteres na tignan ang listahan ng requirements.
Simula noong araw na iyon ay wala na akong ginawa kundi ang magreview at magsanay ng mga practice questions. If I work hard on this and pass the SAT, madali nalang sa akin ang makapasok sa mga University na gusto kong pag-enrollan. Hindi ko na rin kakailanganin ang tulong ni Tito Enrico, o kaya ni Papa para makapag-aral ako. I think I can support myself. Ayoko mang magsalita ng tapos pero kailangan kong magsumikap para matupad ko ang mga plano ko.
Sumunod na araw ay muli kaming nagkita ni Papa at muli din niya akong kinumbinsi sa gusto nilang pagpapakasal sakin sa lalaking iyon. Kahit si Tito Enrico ay muli akong kinausap tungkol doon. Pero bigo silang mabago ang isip ko.
Lumipas ang isang linggo ay nagpaalam na ang dalawang matanda sa amin dahil kailangan na nila bumalik sa US. Nasa airport kami ngayon at hinatid ang dalawang matanda. Unfortunately, nagkatagpo nanaman kami ng lalaking 'yon. Sariwa padin sa akin ang ginawa niya doon sa bar.
Yumakap ako kay Papa. Hindi ganoon kalungkot dahil nasanay narin ako sa ganitong set-up. Nasanay narin akong mag-isa.
Bumeso rin ako kay Tito Enrico.
"Hija, I'm still hoping for you to agree to this. Ikaw nalang ang hinihintay namin." I frowned with what Tito said. Anong ibig niyang sabihin na ako nalang ang hinihintay?