Chapter 8
Nakauwi naman ako ng payapa noong gabing iyon. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa magkahiwalay kami. I didn't respond to his peace offering either. Mabuti sana kung magiging ayos kami sa isa't isa at hindi ko na siya makikita.
Our world is getting smaller and smaller. Baka hindi ko namamalayan mayroon pa kaming ibang common friends. Sa nangyayari ngayon parang ang hirap na niyang iwasan.
"Hanikka, pinapatawag tayo ni Ms. Reyes sa faculty." Tawag ni Kaylie sa akin habang nagbabasa ako ng notes. Sumunod naman ako sa kanya at pumuntang faculty kasama sina Lucas at Paul. Pagkarating namin doon ay pinagfill-up kami ni Ms. Reyes sa online application ng SAT. Pagkatapos ay ibinigay niya sa amin ang tig-iisang identification card para sa mismong exam.
"Please take care of this ID, do not misplace it. Strictly no ID, no entry. I'm not gonna be here on the day of examination so you won't be able to get another one."
Bumalik kami sa classroom na may magkahalong kaba at excitement. Maayos kong tinago ang pass ko sa aking wallet.
Isa pang announcement ang inihayag sa amin ng aming class adviser ay ang school festival na sa susunod na linggo na gaganapin kaya nagbilin na siya ng mga additional paperworks since isang buong linggo kaming walang klase. Also, this is our last time to attend our school festival. Some of the assigned sophomore and junior students and student organizations are the ones facilitating most of the activities such as booths, games/contests, org presentations, etc. While the freshmen and seniors are the attendees. This is somehow a welcome party to the first year students and farewell party for us in 4th year.
Kaya chill lang kami during the festival, except that some of our teachers gave us a ton of paperworks. Kaya mukhang busy parin kami.
Habang naglalakad ako pauwi sa Residencia, biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Zedrick kaya sinagot ko iyon.
"Hello?"
[Hello... pauwi ka na ba?] bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ang wierd lang na tinawagan niya ako para lang itanong iyon.
"Uhh.. oo. Bakit?"
[Invite sana kitang magdinner.] Saktong nandito na ako sa tapat ng building. Huminto ako at hindi muna pumasok. I unconsciously looked around for his motorbike. Nandito ba siya?
"Uhm..." bago pa ako makasagot ay biglang may humawak sa balikat ko. Bahagya akong napatalon dahil sa gulat. It was him and he came from inside.
"Hello." Bati niya habang nakangiti. Hawak hawak parin niya ang cellphone niya. "So? Okay lang ba sayo na magdinner tayo?"
"Uhm.. Sure." I slightly shrugged. Weekend naman bukas at walang work kaya okay lang kahit gabihin. Although, I was wondering why he came from inside. Ang hinuha ko ay nanggaling siya kay Ivan.
Wait...
"Birthday ko kasi ngayon kaya naghanda lang ako ng maliit na salu-salo dito sa condo ni Ivan."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Regalo agad ang unang pumasok sa isip ko dahil wala man lang akong maibibigay sa kanya.
"Oh my gosh. Happy Birthday! Hindi mo agad sinabi, wala tuloy akong regalo sayo."
"Thank you. Actually sinadya ko rin na hindi agad sabihin sayo para hindi ka na mag-abalang maghanap ng regalo. Okay na na gift yung pagsama mo ngayon dinner."
And then it just hit me what he said a while ago. Sa condo raw ni Ivan kaya medyo nag alinlangan ako. Hindi ko iyon pinahalata sa kanya.
"Hindi ba nakakahiya?" tanong ko. Sa loob loob ko ay nagiisip na ako ng mga pwede kong idahilan para tumanggi kahit na alam kong hindi ko naman na mababawi ang pagpayag ko sa kanya at hindi narin naman ako makakatanggi dahil birthday niya.