Part VII

37 0 0
                                    

Tulip's POV

Hayst. Buti nalang natapos din yung unang araw ko. So far so good naman ang unang araw. Mabait naman sila sa akin. Mejo masungit si Sir Blue, ehh?? Tsk ewan ba, init ata ng dugo nun sa akin.

Buti pa si Sir Eugene at Sir Kristoff ang baet nila pero. Ewan din sa kanila ang wewirdo nila. Pero mas okay na yun kaysa sinusungitan nila ako. XD

Magpaflash back ako ng sandali para malaman niyo kung ano nangyari sa pre-nup nung couple.

"Anu ba naman Tulip! Simpleng paghawak lang sa reflector di mo pa magawa." Inis na sambit ni Sir Blue.

"Sorry po Sir" dahil siguro sa init kaya mejo nasisilaw ako nito, di ko tuloy mahawakan yung reflector nun. Ah nasa beach pala kami. Sa Pagudpod ata yun. Ang haba nga ng biyahe.

"Itaas mong koonti" utos niya.

Sinunod ko naman yun.

Nakita ko naman na papunta si Sir Euge. May dalang buko juice. Ayst ang hot naman niya. *u*

Anu ba yan Tulip mamaya na yung talande. Magtrabaho ka muna.

"Tulip" pagtawag ni Sir Euge sa akin.

Bigla naman akong napatingin. Sakto naman eh nabitiwan ko yung reflector siyang ikinagalit ni Sir Blue.

"T*ng* mo Tulip! Kay bago bago mo lang. Nakakahiya sa mga costumer--" biglang naputol ang sinasabi niya kasi isinubo bigla ni Sir Euge yung straw ng Buko Juice.

"Dude, wag kang hot, init na nga init pa ng ulo mo." Tinapik ni Sir Euge yung likod ni Sir Blue.

"Ako na jan. Magpahinga kana Tulip." Sabay agaw sa reflector na hawak ko.

At ako naman eh nagpunta na kay Sir Kristoff. Sila na ang nagpatuloy.

Sa buong araw na nanduon kami, eh puro sina Sir Euge at Sir Kristoff lang yung kausap ko.

End ng walang kwentang flashback.

Eii, pauwi ako ngayon at umuulan. Buti nalang nagmagandang loob si Sir Euge na ihatid ako sa Condominium ni Ms. Monique, nagulat nga siya akala niya eh, rich kid daw ako. Sabi ko nalang eh nakikitira ako sa isang kaibigan.

Di na din naman siya nagtanung, nakakatuwa din tong boss ko ito ang gwapo na mabait pa.

Hehe, siya yung first na nakaclose ko agad.

Second si Sir Kristoff.

Uhh, si Sir Blue. Uhh? Ewan nakakatakot yun.

Ayt teka lang bat parang may kung ano sa tapat ng pintuan ng unit ni Ms. Monique?

Teka, napatakbo ako ngayon tungo sa may unit niya.

Mga bagahe ko.

Huh? Bakit nasa labas? Pinapalayas na ba ako??

May nakita akong papel sa may maleta.

Binasa ko.

/TulipmyBhabes, wag mong isiping pinapalayas kita. Nagpunta akong states ngayon mga one month ako dun para bantayan yung nastroke kong tatay. Di na kita nahintay dahil sa excited ang nanay kong paescapin ako sa pinas. Magiingat ka jan huh. Wag kang magalala mababait mga boss mo sa B.K.EW. chow

P.s: balik ka sa B.K.E.W. studio/

Back paper: +63917*****210

Ehh?? Okay? Anu to? Iniwan ako?

Eyyy, naman eh. Panu na yan. Tssk.

Naupo ako sa tapat ng pintuan ng unit at nasandal nalang sa pader. Pagod ako at gusto ko nang matulog. Hahanap pa ako ng matutulugan. Huhu. T_T saan naman kaya? Uhmff?

I'm Living with my Fake BossesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon