Two

6 3 0
                                    

T W O

Ilang araw na lang at Graduation na namin. Ilang araw na lang din at malapit ng mag-April 1, ang araw na kinatatakutan at ikinahihintay ng mga mag-aaral na papasok sa Military Academy. Ang 'beast barracks'. Eight weeks of hell. Magiging kasaping plebe kami bago maging opisyal na cadet. Fourth class cadet to be exact. Medyo kinakabahan na din ako pero nire-ready ko na ang sarili ko para sa kung ano man ang maaaring ipagawa at mangyari sa amin sa mga araw na iyon.

Nakapag-entrance examination na din kami. Sabay-sabay na kaming kumuha nina Joshua, Deo tapos sinama na niya din sina Cleo at Jop. Bale apat kaming magkaka-kaklase tapos galing naman sa ibang section si Jop. HUMSS kasi ang tine-take niyang strand.

"Grabe girl, kinakabahan na ako para sa a-uno! Mas kinakabahan pa ako dun kaysa sa graduation natin!" Emote ni Joshua habang kinukutkot ang kuko niya. Naoatitig naman ako sa kanya.

'Bakit ang gwapo niya ngayon?' Don't get me wrong ha! Wala akong gusto sa kaniya. Sadyang iba lang ang aura at dating niya ngayon.

"Sabihin mo nga sa akin, nagpagwapo ka ba?" napasipol naman siya saka winagwag ang bahaging dibdib ng suot niyang itim na V-neck shirt na bench/. Kita ko pa nga yung suot niyang dog tag na bigay ko sa kanya. Puwede na kasi kaming magu-civilian dahil nagpapractice na lang kami ngayon sa graduation.

"H-ha? Hindi ah! Sadyang magandang lalaki lang talaga ako," pagtanggi niya.

"Lokohin mo lelang mo. Bakit nga?" lumapit siya bahagya sa akin, konti na lang ang agwat ng mukha namin sa isa't isa. Siguro mga dalawang pulgada.

"Eh kasi girl, balita ko may pumoporma daw kay Mary Ann," napahagikhik naman ako ng bahagya. Grabe binata na ang best friend ko!

"Ah. Balak mo rin ba siyang pormahan? Suportado kita diyan baeseung!" nilait-lait ko pa siya kaya pumula na ng pumula ang pisngi niya. Ang cute niya!

- - -

"Sa ating butihing mga panauhin, sa ating kagalang-galang na Alklade, Mayor Malou Locco," pwe, kagalang-galang pero manduruga naman! Wala ng ginawa kundi dayaan ang kaban ng bayan. Wala man lang progreso itong municipalidad namin! Puro paganda lang ang alam, sama naman ng ugali! Bagay lang sa kanya ang pangalan niya, Malou Locco -- manloloko. Grabe, gusto kong maglingkod sa bayan pero hindi ko gustong paglingkudan ang mga taong tulad niya. Hindi karapat-dapat!

(Wala po akong pinatatamaan diyan ha!)

"Czarina, nakalimutan mo ba ang speech mo?" tanong sa akin ni Ma'am Asuncion. Ay oo nga pala! Nagpa-practice nga pala kami ng hraduation program namin!

"Ah hindi po Ma'am, may naisip lang po bigla ako," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagtatalumpati ko. Buti na lang hindi gaano katagal akong napahinto. Kaharap ko pa naman ang humigi't kumulang na tatlong daan kong kamag-aaral.

Nagpatuloy lang kami sa pagpa-practice hanggang sa part n kung saan ang Valedictorian na ang magbibigay ng words of gratitude.

"Let us all witness, Cleo Matthew Tan, Valedictorian, as hgive us his words of gratitude," tapos ay umakyat na siya sa stage. Pinagmasdan ko siya habang dini-deliver niya ang kanyang speech.

Mahahalata mo sa tono ng pananalita niya na matalino siya, pati sa mukha niya na seryoso siyang tao. Minsan lang yata 'to tumawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cry Again [SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon