Pangit turned to Dyosa

213 2 0
                                    

Nakakainis!! Pinagttripan nanaman ako ng mga mean girls na 'to. Ang sarap sarap ng sandwich na kinakain ko eh. Hmp

"Hey Lim! You're ugly! You don't deserve to be here in this school." Mean girl 1

"Why don't you go to the dermatologist? I'll recommend one for you. You're so pangit!" Mean girl 2

"Ewwww. Don't look at us baka mahawa kami with your kapangitan!" Mean girl 3

Blahhh blahhh blahhh!

Araw araw simula nang mag-high school at ngayon ay 4th year na kami, lagi akong napagttripan ng mga classmates ko especially these 3 girls.

MEAN GIRL 1: Charlotte Marasigan, ang leader ng mean girls. Pinaka-popular sa buong school. Mayaman ang family nila. Sobrang ganda, parang barbie sa ganda. (Iddescribe ko pa ba? Basta maganda sya!) Most of the boys are attracted to her even though they know that she's mean, really mean, as in sagad!

MEAN GIRL 2: Samantha Olivar, 2nd most popular sa school. Maganda syempre, kaya nga ako nilalait eh. Kalokalike nya si Marian Rivera, mga ganung level ang ganda.

MEAN GIRL 3: Eunice Jea Garcia, hindi sya kasing ganda ni Charlotte at Samantha pero mas malala ang ugali. Mabait sya dati, alam ko dahil bestfriend ko sya... ex-bestfriend na pala. (Mahabang story! ikkwento ko na lang sainyo dito kaya subaybayan nyo! he he he)

Anyway, ang lagi ko din naman sagot saknila?

WALA

Eh ano pang sasabihin ko? Hahaba lang ang panglalait nila. So tahimik lang ako. You know, pasok sa right ear labas sa left.

Ini-enjoy ko na lang pagkain ko. Kahit buong caf ang nanunuod sa eksena namin. Para bang may shooting! lols. Kiber ko ba sainyo! tse tse!

"Hi, Diana. May nakaupo dito?"

"J-James? Ah.. Wala."

"Patabi lang ha? Kaya ayoko na-lalate papunta dito sa caf. Nagkakaubusan ng upuan."

"O-Oo nga. Agahan mo na lagi."

"I-save mo na lang ako ng upuan twing lunch! Tutal wala ka naman kasama. Okay? ^^,"

"Okay. He he"

James Cristian Rivera. Boy next door ang datingan, medyo hawig pa ni Enrique Gil. MVP sya last year ng basketball, member din ng band sa school, matangkad, hot, at higit sa lahat ay mabait.

Isa lang sya sa tatlong nakakausap ko ng matino aside from my homeroom teacher and guidance cousellor. Paminsan minsan lang naman yun, lalo na kapag hindi umeepal yung mean girls.

Ohh, James!!! :") Hindi nya alam na sobrang crush ko sya. Gayumahin ko kaya ito? Sana magkacrush ka din sa akin. Kahit konti lang.

"Lim! Wag mo pagpantasyahan si James. She's not into you and never will."

Ex-bestfriend ko po yan. Sumisigaw sa kabilang table. Hayyyy! I miss you bestie!

Ay hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Diana Erissa Lim. Opo, panget ako. Hipon minsan tawag sa akin ng ibang boys. Opo, sexy ako. haha Mataas confidence level ko kaya siguro ako nakasurvive dito sa planet Earth. Madami akong pimples, naka-eye glasses at buhaghag ang hair. Pero top 1 ako lagi sa klase. Yun ang maipagyayabang ko sainyo. Hayy, hindi lahat blessed sa itsura pero ano bang paki ko. Basta wala akong nasasaktan! At ako ay isang mabait na mamamayan! Hahaha boom panes!

*A.N.

Second story ko po. Nyehehe sana basahin nyo din yung My Famous Boss. Promise pagagandahin ko pa story nun at syempre netong "Pangit turned to Dyosa" Vote and comment lang kayo. Hihi! Thankiiiieeee! Xo. ♥ Aries

Pangit turned to DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon