(4) Fishball

75 2 1
                                    

[Diana's POV]

Nung sinabi nyang maganda ako, nagblush lang ako.

"Hahahaha You're funny, James!" Tumawa na lang ako kunwari at nagpatuloy maglakad. Ang tahimik namin the whole time. Hanggang makarating kami sa Aling Maring's tuhog all you can, 50 pesos lang you can have all the fishball and etc you want. Sulit na sulit kaya madalas mga estudyante dito.

"Diana! First time ko kakain dito. I'm excited!" Ngiting ngiting kumuha ng barbeque stick si Kim. Hindi sakanya bagay ang ganitong pagkain pero in fairness ang ganda nya pa din kahit magamoy usok sya hindi sya maarte.

Naupo kami sa isang table habang dala dala ang tig-isang bowl ng fishball, kwek-kwek, kikiam, at barbeque. Wala pang nagsasalita sa amin, galit galit lang dahil gutom. lol Biglang nagtanong si Kim...

"Diana, ano gusto mo sa isang guy?"

Napaisip ako... Ano nga ba ang gusto ko sa isang guy? Yung mala-Enrique Gil syempre. Pwede bang si quen na lang ung guy? Asa naman ako diba? Hahaha

"Ahmm, ano nga ba? Syempre unang una mabait, hindi mahihiyang kasama ako, sweet, at mamahalin ako ng totoo. And full of surprises pala. Hehe. Peroooo, sino ba naman magkakagusto sa akin diba? Hindi naman ako maganda"

May ideal man ka nga, sarili mo naman ang hindi ideal sa iba.

"Si James!! ayyy I mean.. si james naman tatanungin ko kung ano ideal girl nya."

Napatigil si James sa pag-nguya. Ako man eh magugulat sa unang sinabi ni Kim. Akala ko gusto talaga ko ni James. Oh well!

"Kim, tama na. Kumain ka na lang dyan. Bilisan natin masyado nang late may pasok pa bukas." Ang sungit naman neto. Natahimik tuloy si Kim.

Si James na nagbayad ng kinain namin. Libre nya daw since nanalo daw sila kanina.

"Babe, hatid muna natin si Diana bago ikaw. Okay lang ba?" Nakatingin kami pareho ni James kay Kim pero busy sya kakatext. Nako magagalit nanaman tong si Mr. Masungit. Konti na lang batukan nya minsan si Kim eh.

At ayun na nga! Medyo nabatukan ang babae. Kita mo nga naman napakasadista netong si James. Kung hindi mo sila kilala baka akalain mong hindi gentleman si James. Pero ganun talaga silang magbest friend. Sobrang close nila.

"Aray naman James!! Bakit ba? Katext ko si Lenard! Ugh! You're so annoying!!" Umiikot mata ni Kim kakairap kay James.

"You're not listening! I was asking you if it's okay if we drop off Diana first! And I told you to not talk to that jerk dba?! Napakatigas ng ulo mo!" Uh-oh! Nagaaway ba talaga sila? Nako. Kasalanan ko ba?

"You know what?! Whatever. I'm pissed." Hala! Galit na silang dalawa. Naiiyak ako.

"Uhm, magttricycle na lang ako James and Kim. Huwag na kayo mag-away. Please?" Malapit na ko maiyak. Pinipigilan ko lang. Nagba-bye na ko sa kanila. Para makapag-usap sila ng maayos. Nakaka-10 steps away from them na siguro ako ng biglang may humatak sakin. Sobrang nagulat ako, tumalon ata puso ko!

"Wait Diana. I won't let you go home by yourself. Nakapagusap na kami ni Kim. Nagpasundo na pala sya kay Lenard. Intayin na lang natin sya masundo. Okay lang ba?" Omg. Nakatitig ako ngayon sa eyes nya. Sana hindi nya makitang nagddilate mata ko. Mas lalo ako ngkakagusto sa'yo Mr. James.

"O-okay lang sakin. Basta bati na kayo ha? Ang bilis nyo naman nakapag-usap." Oo nga. Ilang seconds palang ako nakakalayo saknila tapos bati na daw? Baka hindi pa?

"Oo. Ganon lang talaga kami. Right, babe? Love you!" sabay wink kay Kim na busy kakatext. 'Love you' daw! Omggg! Ang sarap pakinggan. Kailan kaya mapapasaakin ang I love you mo na yan James? huhuhuhu

Nakaalis na si Kim nang sunduin nung Lenard. Infairness gwapings din tong si papable! Hahaha!

"So... Lets get my car?" Tumango na lang ako. Nasa school parking lot kasi car nya.

Nasa loob na kami ng camaro ni James. Grabe sosyal! Guess what! Ang bango bango ng loob ng car nya. Nakaka-in love lalo. And guess what again!! My name tong car nya! Hahaha Camille daw! So funny.

*Kru kru kru kruuuuu*

Paano ba naman! Malapit na kami sa amin pero hanggang ngayon hindi naman kami naguusap. Sayang ang moment. Music lang ang bumabasag sa katahimikan namin... sighhh*

"... it's her hair and her eyes today. That's just simply take me away. And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver but in a good way..." His voice! I'm melting. Nakatitig ako sakanya ngayon habang kumakanta sya ng Out of my League ni Stephen Speaks. Sana wag muna kami makarating sa amin. Tapusin lang tong song!

"Diana! Huy! We're here! Hahaha. Bakit ka nakatitig sa akin? Baka ma-in love ka nyan, ha? ;)" Sabay wink nyaa. Enebeyen!

"Ay sorry. Nako salamat ha? See you bukas. Byeee!" I smiled my best smile. Nakakahiya! Nahuli nya ko nakatitig saknya! Waaah. Binilisan ko bumaba at tatalikod na sana ako nang bigla sya nagsalita...

"Diana! Thank you din sa pagpunta at pag-cheer sa akin. You're one of the reasons kung bakit ko ginalingan para manalo. Goodnight, Diana. See you tomorrow!"

.. opo natulala ako habang paalis na syang nagddrive.

therefore mapupuyat nanaman ako at madadagdagan pimples ko. Omgggggg I'm so kiligggg! ♡

Pangit turned to DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon