(1) Maling akala

85 2 0
                                    

5...6...7!!!! nadagdagan nanaman pimples ko! ugh! Hindi effective 'tong mga sinasabing natural medicines ni lola. Paano na ko magustuhan ni James? nyehehe.

Si Lola Choleng na ang halos nagpalaki sa akin. Sina mama at papa kasi sa States nagttrabaho para makapag-aral ako sa isang bonggang school. Kung ako lang masusunod kahit sa public na lang ako kaso syempre para rin naman sa future ko iniisip nila mama at papa.

Top 1 pala ako sa school namin. Kung yung iba sunog baga ang ginagawa, ako naman sunog kilay. Kaya dumadami lalo pimples ko eh, nakaka-stress ang pag-aaral.

Hayyy! Papasok nanaman sa school. Sana Lord huwag na ko asarin ng mean girls. Kahit isang araw lang.

Okayy! Fighting, Diana! Think positive! Go go go!

"Goodmorning, class! Get one whole sheet of paper. We'll have a pop quiz"

"WHAT?!"

"SIR THAT'S UNFAIR!"

"NOOOO!"

ang ingay ngayon sa room. Ayan kasi mga hindi nagrready for pop quizzes.

"If you studied our lesson yesterday, this quiz would be easy for you. Sige na, umayos na kayo."

At ayun! Natapos ang quiz namin na badtrip lahat ng classmates ko.

"Lim, ikaw malas dito eh. Nakakainis!"

Abaaaa! at ako pa sinisi netong katabi ko!

"Sana nag-aral kasi kayo. Alam nyo naman na mahilig magpa-pop quiz si Sir Fritz."

"Sinisi mo pa kami. Ikaw nga tong malas!"

"Ikaw unang nanisi."

"Bwisit! Ewan ko sa'yo."

Sanay na ko na kapag may nangyayaring ayaw nila, sa akin sinisisi kahit wala akong ginagawa. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nila sa akin.

Pagkatapos ng mga klase namin sa umaga, binigyan kami ng 1 hour break. Ano kaya lunch special, nagugutom na ko.

Since waley akong friends, ako lang mag-isa sa table na nasa sulok. Forever alone. Pero himala waley din ang mean girls! First time to! Kailangan sulitin. hahaha

"Diana! ^^,"

Tignan mo nga naman, si Mr. Pogi tatabi nanaman sa table ko. Ow em gee! :')

"Hi. Hindi ka yata late ngayon? Madami ka na pwedeng upuan doon."

"Ouch. Ayaw mo ko katabi? :(" Nakapout sya habang sinasabi yan. Ang cute!!

"Hala. Hindi, kasi diba kaya ka lang naman tumatabi sa akin kasi wala ka na maupuan, eh ngayon maaga ka kaya baka gusto mo na umupo sa iba."

"Dami mo sinasabi. Eto oh, gusto mo ng piatos?" Inalok nya ko ng piatos nya. Hindi healthy pero wapakels! 1st time nya din ako alukin ng pagkain! :")

"T-thanks! :)" Lagi ako nagsstutter kapag kinikilig. Sana hindi nya nahahalata.

"Oo nga pala. Alam mo naman na may game kami ng basketball mamaya dba? Nuod ka ha? Kailangan ko ng taga-cheer. Hehe"

"Huh? Oo. Sige."

Hala hala hala! Spell K-I-L-I-G? Hahaha Pupunta ko kahit saan pang game yan, basta ikaw ang papanuorin.

***KRING KRING

May tumatawag kay James.

"Hello?... Hi babe!... Oo may game kami mamaya. Punta ka ha?... Madami na ko nayaya para mag-cheer baka kasi kabahan ako eh.... Ok... I'll see you later... Bye..."

Babe daw?

Babe.

babe.

babe.

babe.

Ouch. 1st heartbreak ko din ngayon. Ano ba yan. Ang dami kong 1st ngayong araw na to. Ang sakit naman nun James! :(

"Earth to Diana! hahaha uy! Anong nangyari sa'yo? Nakatulala ka dyan?"

"Ay wala. Una na pala ako, pupunta pa ako ng library."

"Ok. Basta mamaya ha? Kita kits!"

"I'll try. Bye."

Ayan, Diana! Assuming ka kasi. :'(

~ May mga bagay na akala mo totoo.

Akala mo sa iyo na.

Akala mo hindi mawawala.

Akala mo kakayanin mo.

Akala mo sa huli magiging iba at maayos.

Yun pala lahat ay puro

akala lang.

Pangit turned to DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon