Chapter 2-Pagkakaibigan

10 3 0
                                    

Ang saya-saya ko!!

Sumapit na ang araw.Gumising ako nang umaga tapos sabay silip sa bintana kung nandoon ba siya sa labas.Nakita ko sya!

"Maliligo muna ako,para maayos-ayos din ang mukha ko pag haharap ako sa kanya".

Naligo ako.Nilinis ko'ng mabuti ang aking katawan.Tapos humanap ako nang magandang damit.Nagpabango talaga ako.Lalabas na sana ako nang bigla akong tinawag ng nanay ko.

"Saan ang lakad mo?bakit bihis na bihis ka?"

"Sa labas lang ako ma"

"Sa labas kalang pupunta tapos ganyan ang bihis mo?bakit ano ba'ng meron sa labas?(sabay tingin sa labas)."

"Wala ma po ma,hayaan niyo nalang po ako ma,minsan lang naman to eh"

Pinayagan niya akong lumabas ng bahay.Dali dali ako'ng pumunta sa kanya.Sabay pakilala.

"Hi!ako nga pala si Steven!ikaw anong pangalan mo?"

"Helo!Tanah!Tanah ang pangalan ko."

"Tanah!nice meeting you."

"Same to you,parang bihis na bihis ka ata ha.Saan ang punta mo?"

"Napansin mo pala,wala dito-dito lang."

Tinawag siya nang nanay niya.

"Steven,maiwan muna kita ha.Aalis kasi kami papuntang Mambukal."

"Ahhh.Ganun ba?ok cge!ingat kayo.Mag-eenjoy ka dun.Maganda kasing lugar yun."

"Ok.Salamat!Cge alis na kami!"

"Cge ingat!"

Pumasok narin ako sa bahay namin.Dumiretso ako sa kwarto ko.Tuwang tuwa ako nung araw nayun.Wala ako'ng ibang ginawa kundi isipin lang sya.Ang saya saya ko na eh nang biglang may kumatok sa pinto.

"Hoy!labas na!kakain na!magsaing kana doon!"

Ang nanay ko pala.Sinira niya nanaman ang moment ko.

"Lalabas na po!"

Kumain na kami.Pero para ako'ng tanga na subo nang subo tapos naka ngiti.Dumating din sa point na subo ako nang subo tapos wala naman pala akong sinusubo kasi wala na palang laman ang plato ko.Yung feeling na sa sobrang lalim nang iniisip mo di mo na alam kung anong nangyayari sa mundo.Pinagtatawanan nalang ako nang kuya ko.Pagkatapos kumain tinawag ako nang kuya ko.

"Steve!halika labas tayo."

"Sige kuya saan tayo?"

"Kahit saan basta labas tayo"

Umalis kami ng bahay,at pumunta kami sa clubhouse ng subdivision namin.Kinausap ako ng kuya ko.

"Ang saya mo ah?kwento ka naman!"

"Wala kuya sadyang maganda lang ang gising ko"

"Asus,dahil ba dun sa bagong lipat?yung anak nilang babae?"

"Paano mo nalaman kuya?"

"Nakita ko kasi kayo nag-uusap sa labas kanina.Ikaw ha,galawang hokage kana kaagad"

(Ngumiti ako)"Si kuya talaga!nakikipag kaibigan lang ako"

"Wag munang i deny!alam ko yung tipo mung mga babae.Alam ko'ng type mu yun."

"Oo na!!cge na!!unang kita ko palang kasi sa kanya nakuha nya na agad ang atensyon ko."

"Ano pang hinihintay mo?ligawan mo na!"

"Ligaw agad?Di ko pa nga mahal ang tao,at isa pa parang ang bilis naman nun,di ko pa nga siyang masyadong kilala,di nya rin ako masiyadon kilala."

"E di kilalanin mo!!supportado kita diyan pre!"

"Sige kuya salamat"

Kinabukasan.Nag jojogging ako,nang bigla niya akong tinawag.

"Oy steve!"

(Ngumiti)"Goodmorning tanah!"

"Goodmorning din!mag jojogging kadin?"

"Oo ikaw?"

"Ako rin,sabay tayo pwede?i pasyal mo ako dito sa subdivision para kahit konti may alam din akong lugar dito"

(Sabik na sabik)"Sige ba"

Grabe ang tuwa ko nung moment na yun sinabi ko sa sarili ko na chance ko na to para kilalanin siya.Nilibot namin ang subdivision at habang nag jojogging tinanong ko siya.

"Tan,saan ba kayo nakatira dati?"

"Sa Cebu,nagbabakasyon lang ako dito"

(Sumimangot)"Ganun ba??akala ko pa naman dito kana titira"

"Isang buwan lang kami dito tapos uuwi din kami"

"Ahhh,matanong ko lang,ano ba ang full name mo?"

"Tanah Janica Villanueva,sayo?"

"Steven Blue Yap,ganda nang pangalan mo,ah ilang taon kana?"

"16 na ako ikaw ?"

"16 din ako,nagka boyfriend kana ba?"

"Hindi pa,ba't mo natanong?"

"Wala lang,gusto kasi kitang kilalanin,may facebook kaba?"

"Oo add mo ako ha."

"Sige ba.O ano tara na?"

"Sige"

Umuwi ako sa bahay,may halong tuwa at may halong lungkot.Tinawag ako ni kuya.

"Steve,halika!"

"Anjan na,ano po kuya?"

"O kamusta?nakita ko kayo ha,ano?kayo na ba?"

"Si kuya talaga!!hindi pa,kinilala ko na siya kuya,ang bait niya nga eh,tapos ang gaan gaan nang pakiramdam ko sa kanya"

"Mahal mo na ano?"

"Di ko alam kuya,at saka nagbabakasyon lang sila dito,makalipas ang isang buwan uuwi din siya sa cebu"

"Kung mahal mo ang isang tao,gagawin mo ang lahat para makuha ang puso nito,e ano kung uuwi sya? Di ba pwede na kahit nasa cebu siya e pwedeng maging kayo parin?"

"Long distance relationship kuya?mahirap ata yun"

"Steve eto ang tandaan mo,ang Long Distance Relationship,gumagana yan kapag may tiwala kayo sa isa't isa.Tiwala lang yan steve."

"Sige kuya salamat,di panaman ako sigurado kung mahal ko na ba siya talaga"

Pumasok ako sa kwarto ko,kinuha ko ang cellphone ko sabay open nang facebook at i add siya.Accept ya naman agad.Tapos nagchat kaming dalawa.Sinabi niya sa akin na mawawala daw siya nang dalawang linggo,may bussiness daw kasi ang papa niya sa mambukal resort at di naman daw sila ma iwan nang papa niya.Siyempre ako nadagdagan ang lungkot.Mawawala na nga siya pagkalipas nang isang buwan tapos di ko pa siya makikita nang dalawang linggo,e di dalawang linggo ko nlang siya makakasama ulit.

Kinabukasan gumising ako nang maaga para ma abutan ko pa siya bago siya umalis.Sakto lang ang dating ko dahil na sa labas oa lang naman siya.

(Nalulungkot)"Ingat ka tan ha,mamimiss kita"

"Sige mamimiss din kita"

(Natuwa)"Talaga?"

"Oo naman,ikaw kasi ang unang kaibigan ko dito eh"

Tinawag na siya nang papa niya.

"Tan alis na tayo"

"Sige pa sunod na ako"

"O paano?alis na ako ha"sabi niya, sabay yakap sa akin.

"Sige bye ingat ka"

Umalis na sila nang pamilya niya.Kinilig talaga ako nung niyakap niya ako.Naging memorable kasi ang araw na yun sakin.Pero nalungkot naman ako nang di ko na siya nakita oag labas ko nang bahay.Wala na akong kasabay mag jogging.Namimiss ko na agad si Tanah.

Dito Ka NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon