Rhian's P.O.V.
Nagising ako sa lakas ng bagsak ng ulan. Tinignan ko ang oras. 7:04 a.m. pa pala. Tinignan ko yung nasa harapan ko. Biglang may tumulo na luha galing sa mga mata ko. Agad-agad ko itong pinunasan.
Biglang nagmulat yung mga mata niya. "Oh. Gising ka na pala. Gusto mong kumain?" tanong ko sakaniya.
"Umiyak ka nanaman no?" tanong niya. Hindi ko maiwasang umiyak at tumango. Pinunasan niya luha ko gamit ang mga kamay niya. "Ssh. Tahan na. Promise, hindi kita iiwan." sabi niya habang nakangiting malungkot. I smiled sadly back at him.
Tinitigan ko siya ng husto. Mga labi niya noo'y pulang-pula ay naging maputi na. His tanned skin went pale. His lips are always sad now. His Kenji Marco, my boyfriend. We've been dating for 2 years. He has an inborn Heart Disease pero hindi niya sinabi sa mga magulang niya ito. Nalaman nalang namin ito nung bigla siyang nahimatay. Mag-e-8 months na kami dito sa hospital. Huminto siya sa pag-aaral huminto na rin ako kasi I can't bear my watching my boyfriend like this.
"Baka matunaw ako niyan." bigla niyang sabi.
"Eh kasi naman, ang gwapo gwapo mo!" sabi ko.
"Kahit ganito itsura ko? Oo naman!" sabi niya.
"Aba! Aba! Yumayabang kami ngayon ah!" sabi ko nang dahilan para magtawanan kami. Ilang minuto, bigla kaming napatahimik.
"I miss the old days." bigla niyang sabi nang dahilan para nalungkot ako. "Miss ko na ang mga classmates natin, favorite tamabayan, ang mga biro, mga guro, at... at... at.." hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi umiiyak na pala siya. "Bakit ako?! Bakit ako pa?! Ha?! Sabihin niyo sakin!" sigaw niya. Agad agad kong niyakap ito at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko.
"Ssh. Everything will be alright." pabulog nasabi ko sakaniya.
***
It's been three days after nung iyakan. Papunta ako ng hospital ngayon. Operasyon kasi ni Kenji. Dinalhan ko siya ng paborito niyang pagkain.
"Hi." bati ko nang nakapasok na ako sa room niya. "Dinalhan kita ng paborito mo!" masaya kong sabi.
"Hindi ako gutom." seryoso niyang sabi.
"Pero kailangan mo to nga---"
"Sinabing hindi ako gutom eh! Hindi mo ba naintidihan?!" sabi niya. Gulat na gulat ako. First time niyang magkaganito. "Akala mo maging succesful ng operasyon?! Hindi naman eh! Alam mo bang pang-ilan na tong operasyong to?! Kahit isa wala pang naging succesful!" sigaw niya. Tumulo na talaga luha ko. "S-sorry" sabi niya.
Tinignan ko siya habang patuloy na tumutulo yung luha ko. "Akala mo ikaw lang ang nahihirapan Kenji?! Ha?! Hindi naman diba?! Mahal kasi kita at masakit isipin na iiwan mo lang ako!" pagkasabi ko nun, agad agad akong tumakbo.
"Rhian!" rinig kong sigaw niya pero hindi ako lumingon. Mahal ko siya. Mahal na mahal kaya hindi ko lubos naisipan na iiwan niya ako kasi pinangako niya. Gusto ko siyang lagi sa tabi ko. Masakit isiping sa bandang huli, may mang-iiwan. Naalala ko pa dati, isa siya sa mga campus titlest ng school namin, ako naman, 'yung typical teenage girl na nagkacrush sakaniya. Baliw na baliw ako sakaniya nun. Isang araw, papunta akong canteen ng biglang may lumapit sa akin. Siya. Siya na kung sino baliw na baliw ako. Tinanong niya ako kung pwede ba daw niya akong maka-usap. At first I was speechless, tinuro ko pa nga sarili ko kung ako ba talaga tumawa siya at tumango. Tumango na rin ako. Pumunta kaming Football Field nun, at dun, sabi niya, "A-Alam mo bang noon pa kita tinitignan? Alam m-mo bang baliw na baliw ako sa'yo kaya hindi ako nagdadalawang-isip na mag-co-confess a-ako ngayon sa h-harap mo. Kaya... baka sakaling pwedeng m-manligaw?" Syempre kinilig ako. Magpaligoy-ligoy pa ba ako? Um-oo ako then niligawan niya for 5 months then this happened.
Takbo anko ng takbo ng biglang....
-BEEP! BEEP! BOOGSH!-
--BLACKOUT--
Kenji's P.O.V.
"Hi Rhian! Tignan mo oh nakagraduate ako! Ang astig ng certificate ay Diploma pala! Hahahaha!" pagkasabi ko nito biglang tumulo ang luha ko. "E-etong m-medal n-nato? P-para to sa pagmamahal ko sayo! Corny ko ba? Sorry mahal kita eh!" mukha akong baliw dito. Tinignan ko yung puntod ng babaeng mahal ko.
RHIAN E. GONZALEZ
MAY 8, 1992 - NOV. 17, 2012
REST IN PEACE
1 year ago, naging succesful yung operasyon ko. Nung narinig ko yung tungkol sakaniya, sinisisi ko yung sarili ko at palagi akong umiiyak nun.
Ahh! Inaalala ko lang ang mga pangyayari noon feeling ko iiyak nanaman ako.
Biglang may pumatong ng kamay sa kaliwang balikat ko. "Pare, tara na." sabi ni Kyle, kaibigan ko. Tumango ako. Umunang lumakad si Kyle. Napahinto ako at lumingon sa puntod ni Rhian. Ipinatong ko yung medal sa puntod niya at ngumiti ako at sinabing,
"MAHAL na Mahal kita. Even if it takes.. FOREVER."