Chapter 1

4 0 0
                                    

Bianca’s POV

Nasa classroom na naman ako nakaupo sa upuan ko habang pinapanuod ko yung mga kaklase ko na may sari-sariling mundo. Si Carol nagbabasa na naman ng libro sa Science (panlaban kasi yan sa mga contest kaya libro lagi katapat niyan), sina Arnie at Paolo naman sa likod nagbabangayan na naman. Akala mo mga sinaunang tao na ipinaglalaban ang  Pilipinas para sa kalayaan. Kung makahugot sa isa’t isa kala mo mga perpektong tao. Naku! Naku! Tsk! Tsk! Tsk! Sa gilid ko naman sina Daniel, napakasilent type niyan akala mo may multo na nagsasalita kapag bumuka na yung bibig niyan kasakasama lagi yan ni Jhimwell, magaling sa mga instruments kaya feeling pogi akala mo kagwapuhan hindi naman. Lagi ako niyan pinagtitripan, feeling heartthrob sa wattpad stories. Nakabasa lang ng isa ginagaya na. Sa kanan ko naman, sina Esther, Mary, Jona, Michaela at Rocelle, mga k-pop fanatics yang mga yan lalo na ng EXO. Magagaling sumayaw tsaka maiingay. Sa likod naman nila ay sina Abdul at Alwyn na dota lagi ang pinag-uusapan. Well so much description na yan sa klase pag pinagpatuloy ko pa masyado ng mahaba nga pala garde 9 palang kami. Andami pa kaya, 45 kami sa isang classroom. Tama ng introduction sa mga classmates ko, ako naman magpapakilala. Well, I’m Bianca. I’m just a simple girl, syempre smart (honor student eh), maganda naman kaso pal---

"Pandak."
"Che. Tigilan mo nga ako. Yabang nito! Edi ikaw na matangkad. Ikaw na! kala mo kung sino. Yabang-yabang. >:|"
"Hahahahahhahahah!"
"Hmmmp!"
"Haha! Tigilan mo na nga yan dre. Ang hard mo kay Bianca. XD" ---> ayan si Renz best friend ng mokong na empaktong yun. Mabait yan, magaling din sa sports. Badminton player. Chubby pero cute.
"Totoo naman kasi. Pandak ka. XD" ---> ayan si Lennard. Mabait yan pero napakalaking kabaligtaran. Masama ugali niyan. Ang yabang-yabang. Anak kasi ng teacher kaya ganyan. Hindi ko ba nasabi sa inyo. Si Renz, yang empaktong Lennard na yan ay mga anak ng teacher? Well kung hindi pa ayan nasabi ko na.
"Wow! Grabe!? Ikaw na matangkad na payatot naman *smirk*" hahaha akala niya siya lang marunong mang-asar?? Hindi noh. Ako pa ba?
"Anong sabi mo??"
"Ang sabi ko matangkad na payatot ka. Bakit?" Sabay smirk ko sa kanya.
"Sapak gusto mo??"
"Asar talo ka pala eh"
"Anong kaganapan ito?" ---> ayan si Daryll. Best friend ko. Kakampi ko lagi yan.
"Oi! Anyare ba babaita??" ---> ayan si AnaCris. Isa pang best friend ko kaya lang…
"Ang aga-aga ang ingay mo." Malakas mambara
"Nang-aaway kasi yang pangit na yan"
"Wow ah! Ako pangit? (turo sa sarili) pangit? Sino kaya sa atin?"
"Tigil na. Malapit na magtime. Tama na yan." Awat ni Renz. Buti pa toh si Renz nabuhusan ng sandamakmak na kabaitan. Yung isa ni katiting WALA.

*bell rings*

"Ui beh. Tara na. Upo na tayo. Maaabutan pa tayo ni ma’am Sibulo." Aya ni Daryll kay AnaCris
"Sige, girl. Later na lang."
"Sige beh."

*Break Time*

"Darla babes, pasama naman sa canteen" Darla babes ibang tawag ko kay Daryll
"Beh ayaw ko lumabas."
"Dali na."
"Bumili ka na sa canteen. Kakain na kami ni Daryll." AnaCris
"Papasama lang eh."

Pumunta na akong canteen. At sa kasamaang palad ay nandun ang matangkad na payatot. Katabi ko pa sa pila.

"Urat naman. Bakit ba toh nandito?"
"May sinasabi ka pandak??"
"WALA"
"Sus meron eh"
"Pabili po ng Crossini."
"Crossini lang bibilhiin mo??"
"Oo bakit angal ka??"
"Dapat di yan binibili mo"
"Eh paki mo ba??"
"Manang paki bigyan nga rin po siya ng burger tsaka fries. Sama niyo na yung Crossini na bibili niya. Tsaka dagdagan niyo na ng mineral water."
"Wala akong pambayad dyan. Manang wag niyo sundin yang matangkad na payatot na yan."
"Sino ba may sabing ikaw ang magbabayad?? Bigay niyo na manang"
"Oi! Parang baliw toh."
"Kunin mo na yan. Wag ka na mag-inarte dyan"
"Iha, kunin mo na. Andami pang nakapila. Hindi lang kayong dalawa"
"Ay sorry manang. Papansin kasi tong isang toh eh. Teka asan na yun??"
"Kanina pa nakaalis iha"
"Tingnan mo toh bastos. Kitang kinakausap. Nilayasan ako. Sige manang"
Takte yun. Ano naman kaya ang nakain ng matangkad na payatot na yun at ilibre ako ng ganito kadaming pagkain? Pero salamat na din. Marami akong kakainin.

"Wow ah. Andaming binili sa canteen. Mayaman. May burger at fries pa. mahal kaya niyan." Si AnaCris habang kumukuha ng fries
"Sira. Kay Lennard yan galing. Ewan ko ba sa taong yun. Bigla na lang nagsabi dun kay manang na bigyan ako nito."
"Nilibre ka niya beh. Haha! Baka peace offerings. Di ba inaway ka niya kanina di ba??" Darla babes
"Siguro. May konsensya pala pala yang matangkad na payatot na yun"

--------------------
Pasensya na po sa mga typo.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon