- 1 -

31 7 8
                                    


Time is gold,don't waste it, don't take it for granted, always make the best of it cause you never know when you might out of it.


Iyan ang motto ko simula pa lang ng bata ako, kaya sa bawat ginagawa ko ay sinisugurado kong hindi nasasayang ang oras ko.


Tulad na lang ngayon. Naririto ako sa library ng aming paaralan at tahimik na nagbabasa mag-isa. Ito ang gusto ko tuwing umaga sa library, walang tao,walang ingay at walang istorbo. Mas nakakapag focus ako sa binabasa ko. Ako kasama ang mga libro sa aking paraiso.


I am Vanessa Davis. Vans for short. I am 15 at tulad nga nga nakikita ninyo ay mahilig akong magbasa pero hindi naman ako nerd. Araw-araw akong pumupunta sa library para magbasa to the point na naging close na kami ni Ma'am Villanueva, ang aming librarian.


Maya-maya pa narinig kong may nagbukas ng pinto. Here she is.


"Good Morning Ms.Villanueva." ang bati ko pagkakita sa kanya.


"Oh you're here. You're early as always." sabi niya sabay inilapag ang dalang bag sa mesa. 


Napangiti na lang ako. Yan kasi ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag dumadating siya.


"Baka palitan mo na ko sa pagiging librarian." ang pabiro niyang sabi sa akin.


"Ma'am hindi naman, nauna lang ako ng kaunti." sagot ko sa kanya sabay tingin sa orasan.


"Tingnan ninyo ma'am maaga pa, 7:55am pa l---." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. OMG 7:55am na pala. 8am ang start ng klasse namin.


"Oo nga maaga pa haha." sabi niya habang tumatawa 


"Ma'am naman eh, nang-aasar pa." pabiro kong sabi habang nilalagay ko ang libro sa binabasa kong libro sa shelves.


"Ma'am mauuna na po ako." paalam ko habang nagwawave ng kamay sa kanya saka tumakbo ng paalis.


'Tingin tingin din kasi sa oras Vans.' sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo.


- - - - -


Pagkabukas ko ng pinto sa classroom ay nakahinga agad ako ng maluwag. Wala pa kasi ang advicer naming terror.


"Good Morning Mr.Davis." ang bati sa akin ni Alona habang naglalakad ako papunta sa upuan ko.


Sa pangalan ko pa lang ay alam malalaman ninyo na isa akong eba. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit niya akong tinawag na Mr.Davis. Well it is simple. I am wearing a male's uniform right here right now. Yes. I'm wearing males uniform but don't be mistaken. Babae ako sa isip, sa salita at sa gawa. Wait hindi pala sa kasama yung "sa gawa"


By the way, sanay na ang mga kaklase ko sa akin pati na rin ang mga teacher. Wag na natin bigyan ng malaking issue ang suot ko. I have a lot of reason for wearing a male's clothes at isa na dito ang aking buhok.


(A/N: Meron picture sa gilid/taas para ma-imagine nyo kung gaano kaikli ang hair nya.)


"Good Morning din Miss Alona." ang bati ko sa kanya. Bigla namang napakunot ang noo nya at halatang nainis.


Ayaw niya kasing tinatawag siyang Miss kahit na babae naman talaga siya. She is Alona Martin. One of my best friend in this school. Sa unang tingin mo sa kanya ay masasabi mong mahiyain siya dahil sa amo ng mukha niya pero ang totoo niyan ay matapang siya at palaban. Kaya boys, wag manloloko sa mga babaeng tulad ng best friend ko at baka mawalan kayo ng "ano".


Pagkarating ko sa upuan ko ay agad akong napayuko sabay hawak sa tiyan ko. Nagugutom na ko =.= Gusto ko sanang bumaba sa cafeteria para bumili ng pagkain kaso 3 minutes na lang bago magbell. Hindi na ko aabot.


Mas lalo pa akong nagutom ng may naamoy akong pagkain. Wait, parang pamilyar 'tong naamoy ko ah. Pag-angat ng ulo ko eh hindi nga ako nagkamali. May sandwich sa mesa ko.


Agad akong napatingin sa taong nagbigay nito. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong iisang tao lang ay panggagalingan ng pagkain ko. Gusto ko sana siyang yakapin kaso napansin kong tinuturo niya ang wrist watch niya.


Nagtataka ako sa ginagawa niya kaya napatingin ako sa wrist watch ko. 7:59am. One minute bago magbell. One minute para makakain ako but believe it or not sa one minute na 'yon ay naubos ko agad siya. Inabutan din ako ni Ivan ng kopiko78. Ayos busog ang lola ninyo.


He is Ivan Austin. Ang aking kababata,kapitbahay, partner in crime este sa kalokohan at ang best friend ko din. Ang sandwich the kinain ko ay galing sa kanya. For sure si tita Olive ang gumawa niyon dahil masarap. Tita ang tawag ko sa mommy ni Ivan dahil close ang family namin sa isa't-isa.


~bell ring~


Kasabay ng bell ay ang pagbukas ng pinto at pumasok ni Ms.Cruz, ang masungit naming teacher.


"Good Morning class. Let's start!"


************************************************************

Author's Note : Hello guys!! Thank you for reading this chapter at sana nagustuhan nyo ito. Free to comment or message me about your opinion sa story ko. Reminder nga po pala, baka sa mga susunod na chapter eh may pagka ANIME SETTING na sya. Pasensya na, may pagka dugong anime si author eh. ^^


Sorry sa mga typo at maling grammar.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon