Athena POV
"Athen's!" Hindi pa ako lumilingin pero parang alam ko na kung sino yung tumawag sakin, siya lang naman ang natawag sakin ng ganun eh!
"Wassup Ivan!!" sagot ka sa pinakamamahal kong best friend kahit hindi pa ako nakakaharap sa kanya.. And when i say pinakamamahal.. Yes! I'm inlove with him!
"Sama ka ba??" tanong niya at mukhang excited pa
"San nanaman?!" I asked
"Mag mamall kami ni Cha!" Automatic na Napakunot ang noo ko. Cha?? Who's that pokemon?
"Sino naman yun??" tanong ko sa kanya dahil wala naman kaming kaklaseng Cha
"Si Charice!!" I roll my eyes. Si Charice lang pala! Hehehe si Charice LANG pala tae.. Ehh siya lang naman ang aking mortal na kaaway pagdating sa puso ni Ivan
"Hilig mong mag-imbento ng pangalan alam mo yun?" i just said
"Oo na! So ano sama ka??" tanong niya
"Wag na! Walang bantay sa bahay aalis si Mama! Saka hello damay mo pa ko sa mga kalokohan mo!" pagsisinungaling ko ayoko lang talaga na makita ung mga 'sweet moments' nila ni Charice baka makasabunot ako ng wala sa oras!
"Ay sayang naman! May sasabihin pa naman sana ako sayo!" sagot niya sabay pout.. Nakakaasar may papout pout pa siyang nalalaman baka mamaya niyan halikan ko siya at mapapayag niya pa ako ehh!
"Sabihin mo na ngayon yung sasabihin mo dapat! Pasuspense ehh no? Kelangan talaga mamaya pa??"
"Wag na! Saka nalang pag sumama ka saming mag mall! Hmmp bahala kang masuspense dyan!" Pout ulit siya tss nakakaasar!
"Oo na sige bahala ka! Layas dyan sa dadaanan ko at ang sakit na ng balikat ko dahil sa bag ko!! Hello lahat po ng libro natin dala natin ngayon!" sabi ko with matching kunot noo effect pang chinalin
"Akin na nga yan ako na magdadala!" sabi niya sabay kuha ng bag ko sakin
I sigh dyan! Dyan sa katangian niyang yan ako nainlove!
*Dismissal*
Sa wakas ang pinaka hahantay ko! Uwian na wooh! Kaya naman inayos ko na ang ang gamitko sabay alis ng school
Nung nasa may park na ako malapit sa bahay nakita ko si Ivan at saka si Charice na naglalakad...
Do you know how it feels when your heart is breaking into pieces but you can do nothing about it cause the man that causes you pain is just your friend.. In short, wala kang karapatan
Nung nasa harap ko na sila naisipan kong mag joke nalang ako para naman hindi nila mapansin na nasasaktan ako... Haaay sige Athena! Lokohin mo sila at ang sarili mo!
"Oh Babe! Si Charice lang pala kasama mo! Kanina pa kita hinahanap eh! Sunduin mo nalang ako sa bahay pag papunta na tayo ng mall!" sabay ngiti ng malaki
"Hah?" tanong sakin ni Ivan
"Wala! Eto naman j--" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Charice
"Kayo na pala ni Tina insan eh! May palakad lakad ka pang nalalaman dyan! Sipain kaya kita niloloko mo ko ehh!" sabi ni Charice sabay akbay kay Ivan at batok
Teka nga.. Wait lang ahh.. Anong sabi ni Charice? Lakad? Insan? Saglit lang ha naguguluhan ako! Di kayang idigest ng utak ko kung ano ang ibug sabihin ni Charice dun
"What do you mean?" tanong ko na lang kay Charice
"Alam mo kasi Tina yang si Insan matagal na yang may gusto sayo at ang sabi pa niya ilakad ko daw siya sayo! Pero base sa nakikita ko hindi ko na siya kailangang ilakad sayo! Kayo na pala ehh! Congrats! Wag mong paiyakin tong loko kong pinsan ahh hahaha"
Waaahh! Ano daw?! Mag pinsan lang sila at higit sa lahat may gusto sakin si Ivan??
"So pinsan mo lang si Ivan?!" paniniguradong tanong ko
"Yup!" sagot niya
Tongono after all those years ng pagseselos ko sa kanilang dalawa mag pinsan lang pala sila! Shiiit ang bobo talaga Athena!
"Ahh.. Athen's wag ka sana magalit sakin huh! Ngayong alam mo na yung totoo..." sabi ni Ivan sabay kamot sa batok
Tanga ba siya?! Bat ako magagalit! Magbubunyi pa ako!
"Wait nga hah.. Wait okay wait?? Hindi ko kayo maintindihan ehh.. Di ma digest ng utak ko teka lang! Base sa sinabi mo kay Ivan kanina is kayo na at may pag BABE ka pa! Pero bakit parang ngayon mo lang nalaman na may gusto pala sayo si insan?"tanong ni Charice na naguguluhan na sa mga nangyayare
"Im just joking about that.." sagot ko
"OMG See! Joke is powerful.. Nagkaaminan kayo ng wala sa oras hahahaha" Charice
"Wag mo kong iwasan Athen's ahh please.. I Love You! Kaya sana ganun padin ang friendship natin kahit na alam mo na yung nararamdaman ko ngayon!"
"Ang tanga mo Ivan! Di na tayo magkaibigan ngayon!"
"No Athe--"
"Cause I also feel the same way.. I love you too! At di na tayo pwedeng maging magkaibigan kase papayagan na kitang maging boyfriend ko! Ano aarte pa ba ako ehh matagal na kitang mahal?" I smiled at him
Yeah right i know! Joke is so powerful and magical...
~End

BINABASA MO ANG
It take's one Joke to be Happy
Novela JuvenilJoke.. alam natin na nagagawa nito na patawanin tayo.. Minsan paiyakin.. Minsan naman galitin.. O kaya naman painlove-in??? Oo tama kayo dahil sa buhay ko.. It take's one joke to be happy..