Chapter 6: Sila na?

13.5K 258 6
                                    






= 6 =





GLECY P.O.V





Hindi umuwi si Traviz sa bahay naming magbabarkada kaya hinanap namin siya kanina, pumunta din kami sakanila wala din siya don.






"Sa tingin mo saan nagpunta si Traviz?" - tanong ko kay Carlo, nandito kami ngayon sa sa terrace ng bahay ko, sila Tricia naman nasa sala pinag uusapan din nila si Traviz.






"Hindi ko alam, maybe nasa bar? Ganun naman si Traviz tuwing namomroblema kay Jara sa bar lang tumatakbo yon." - seryosonng sabi niya saakin.






"First love niya si Jara, pero nakita rin naman natin na talaga namang gusto niya si Lian." - sabi ko.





"Don't worry, nakikita ko namang si Lian talaga ang mahal non ni Traviz, kagaya ng sinabi ni Ellaine kanina kailangan lang nila ng closure ni Jara para maliwanagan si Traviz, bigla nalang kasing umalis si Jara diba? Walang paalam. Parang bula na naglaho nalang bigla." - litanya ni Carlo.






"Wow, gumaganon ka na ngayon ha?" - pang aasar ko sakanya.





"Syempre, kausap kita kailangan matino ako." - nakangiting sabi niya saka kumindat pa, napalunok naman ako.





Hindi ako umimik. Naramdaman ko nalang mas lalo siyang lumapit saakin, nagulat ako ng bigla niya akong akbayan.






"Sorry ha? Nung Prom, alam kong natakot ka sa pagsigaw sigaw ko sayo.. Hayaan mo hindi ko na uulitin yon." - seryosong sabi niya, nilaro laro niya pa yung buhok ko.






"Ano ka ba okay lang yon." - sagot ko sakanya, seryoso okay lang talaga. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ako sinigawan nu gabing yon.





"Ikaw kasi. Ayaw mong maniwala na mahal kita." - bulong niya, tinignan ko siya, nakatingala lang siya sa langit habang nakaakbay saakin at nilalaro yung buhok ko.






"Mahal..kita." - ulit niya, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumingon saakin! At napapikit ako ng dumampi ang labi niya sa gilid ng labi ko.






"ACCCKKKK!!!" - naitulak ko si Carlo ng marinig kong may sumigaw!





Paglingon ko nakita kong nakatakip ng bibig niya si Yanessa!





"OMAYGASSS!! KAYO NA! KAYO NA! GUYS! SI GLECY AT CARLO NA!!" - sigaw ni Yanessa.





Nanlaki ang mata ko sa isinigaw ni Yanessa!





Nagtakbuhan naman ang mga barkada ko papunta dito sa terrace!





"Hoy! Hindi totoo yan! Anong kami? Mga baliw!" - sigaw ko sakanila!





"Masyado kayong excited guys. Nasa ligawan stage palang kami!" - sigaw ni Carlo, tinignan ko siya ng masama! Anong ligawan stage?!!





"Sus! Dun din ang punta niyan!" - sigaw ni Tricia!





"Oy Carlo baka naman minamadali mo 'tong si Glecy!" - sigaw ni Pitah.






"H'wg kang mag alala Pitz! Kahit pa uod ang takbo namin ni Glecy maghihintay ako!" - sigaw ni Carlo, nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Carlo.





Nagsigawan naman ang buong barkada! Sisigaw pa sana ako pero natigilan ako ng makita ko si Kevin sa tapat ng gate ng bahay namin.






Nginitian ako ni Kevin ng isang nakakatakot na ngiti.

****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon