Chapter 17: Girlfriend???

12.2K 254 21
                                    

= 17 =

 

KAI’S P.O.V

Tanghali na pero hindi pa rin tumatayo sa higaan si Kuya Ron, paano ba naman lasing na lasing siya. Mabuti nalang at napigilan kong maglasing ‘to si Reno..

“Kuya Ron? Papasok na kami, pano maiwan ka nanamin? Nagluto ng sopas si Manang, kumain ka nalang kapag medyo okay na yang hang over mo..” Sabi ko sakanya.

“Uhm.” Sagot niya saka nagtakip ng unan sa ulo, lumabas na kami ni Reno ng guest room..

“Pano pag hinanap siya ni Tricia mamaya?” Tanong ko kay Reno..

“Edi sabihin natin lasing..”

“Reno! Baka magalit si Tricia!”

“Baby..magboyfriend yung dalawa, hayaan natin na silang dalawa yung mag ayos ng gulo nila ngayon.. at bilang kaibigan nila, hindi naman tama na magkakampihan diba?” Seryosong suway saakin ni Reno saka pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya, kaagad naman akong sumakay don.

Pagkaparada na pagkaparada ni Reno ng kotse niya sa parking area ng school, kaagad kaming bumaba ng makita naming nakikipag sapakan si Traviz kay Mark!

“TRAVIZ!!” Sigaw ko at tumakbo kaming dalawa ni Reno palapit sakanya! Kaagad hinila ni Reno si Traviz palayo kay Mark!

“GAGO KA! Putangna kang hayop ka! H’wag na h’wag kang lalapit sa girlfriend ko!!” Sigaw ni Traviz at nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ni Reno, pero ngumisi lang si Mark bago nagsalita.

“Psh..  Kasalanan ko ba kung ako ang unang nakakita sa girlfriend mo nung panahong nasasaktan siya dahil sayo..” Mariin na sabi ni Mark, nakita ko namang nagtatakbuhan palapit saamin sila Kenneth!

Nabitawan ni Reno si Traviz kaya naman sumugod nanaman ‘to kay Mark at pinagsusuntok ‘to! Kaya naman si Kollins at Kenneth na mismo ang humila dito palayo kay Mark!

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon