Chapter 13 (3 of 3)

9K 300 14
                                    

Hindi ako mapakali sa kinahihgaan ko. Hindi mawala sa isip ko si Kiel. Magliliwanag na pero hindi pa din ako makatulog. Madaming tunatakbo sa isip ko.

Napagpasyahan ko na lumabas ng kwarto at magpahangin na muna sa likod bahay. Umupo ako sa maberdeng damuhan at tinangala ko ang langit.

Ang ganda ng langit. Maaliwalas at puno ng mga bituin.

Naiisip ko si Kiel. Alam ko na espesyal na ang nararamdaman ko sa kanya. At natatakot ako. Natatakot na kasi akong masaktan ulit. Hindi pa nga ako lubos na nakakabangon mula kay Kier. At alam ko na mas malala ang pagkakahulog ko kay Kiel.

Ang hirap pala kapag ang puso ang namili. Hindi kasi n'ya naiisip na hindi bagay sakin ang pinipili n'yang mahalin.

Alam ko naman na tulad ni Kier, hindi din ako pwede kay Kiel. Bakit ba kasi ang hirap lumugar. Bakit ba hindi maintindihan ng puso ko na hindi ako so Cinderella na pwedeng magmahal ng prinsipe kahit na katulong lang ako.

Bakit ba kasi mas madali na mahalin si Kiel kaysa ipaggitgitan sa sarili ko na 'wag s'ya mahalin. Bakit ba kasi ganito?

Huminga ako ng malalim. Tiningala ko nalang ang mga bituin.

"Sofie" someone gently called me.

Napalingon ako kay Kier.

Nahabag ako sa nakita ko. Puno ng lungkot ang mga mata n'ya. Nanikip ang dibdib ko.

Lumapit s'ya sakin at umupo sa tabi ko. Gusto ko sanang lumayo sa kanya pero hindi ko ginawa. I don't want to offend him.

"What happened to us?" Malungkot na tanong n'ya sakin. Namumula na ang mga mata n'ya at may luha na na nagbabadyang kumawala. Parang kinukurot ang puso ko.

"Akala ko walang sukuan. Akala ko walang bibitiw hanggang sa pwede na tayo. Akala ko tutupad tayo sa mga pangako natin. Akala ko aabutin pa natin ang mga pangarap natin nang sabay. Pero ano'ng nangyari?" Tuluyan na s'ya umiyak.

At naramdaman ko nalang din ang paglandas ng luha sa pisngi ko.

Masakit pa din pala.

Kasi binuo ko na noon ang sarili ko kasama s'ya. Nangarap na ako para samin dalawa. At masakit na ganito na kami ngayon. Masakit na nabigo ko s'ya at ako na ang bumitaw. Na hindi na ako nakahintay. Na hindi na ako nakatiis

"Alam ko naman na kasalanan ko" dagdag n'ya sa garalgal na boses. "Na nahihirapan ka na. Na hindi ko magawang ipaglaban ka. Na naging duwag ako" mas lumapit pa s'ya sakin at niyakap ako.

Hindi ko nagawang kumilos. Humikbi nalang ako.

Parang binubuksan n'ya ang mga sugat ko na pilit ko nang sinasara.

Bakit ang sakit pa din. Para akong nabibigo nang paulit-ulit.

"Gusto ko nang maging matapang. Gusto na kitang panindigan. Paglalaban ko na tayo" nakikiusap na sabi n'ya. "Please bumalik ka na sakin. Hindi ko kaya na wala ka"

Parang may pumiga sa puso ko.

"Iniwan ko na si Tracy. Hindi ko s'ya mahal. Hindi ko s'ya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa'yo" mas humigpit ang yakap n'ya.

Nananakit na ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na mapahagulgol. Ito 'yong lalaki na minahal ko sa loob ng apat na taon. At ngayon na nagmamakaawa s'ya na bumalik ako sa kanya, nadudurog ang puso ko.

Hindi si Kier ang tipo ng nagmamakaawa at nagpapakita ng kahinaan. He's so proud of himself. Kaya ngayon na nagkakaganito s'ya, nakakapanghina.

"Mahal mo pa naman ako 'di ba?" Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya. Nakiya ko sa mga mata n'ya ang pinaghalong takot at pagmamakaawa.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya na mawala ka. Mawala na sakin lahat pero 'wag ikaw" pagsusumamo n'ya.

Hindi ko magawang tumugon. Dahil hindi ko alam ang isasagot.

Alam ko ang sagot. Oo mahal ko pa s'ya. Hindi ko magagawang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya nang gan'on kadali. Pero alam ko din na hindi na buong-buo ang pagmamahal ko sa kanya.

Pareho ang mukha nila, pero alam ng puso ko na magkaibang tao sila. Alam n'ya na minahal n'ya si Kier at minamahal niya si Kiel.

Kaya hindi ko kayang sumagot kay Kier.

Dahil magsisinungaling lang ako. At kung magsasabi ako ng totoo, mas masasaktan ko lang s'ya.

Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan n'ya ako.

Hindi ako kumilos ng ilang saglit.

Bigla kong nakita si Kiel sa isip ko.

I am just for you...

Tinulak ko palayo si Kier.

"Mali 'to" naiiyak na sabi ko.

Tumayo na ako.

Tumayo din s'ya at pilit na niyayakap ako. Tinutulak ko naman s'ya palayo.

"Kier ano ba" nakikiusap na sabi ko habang tinutulak s'ya.

"Baby, please forgive me" umiiyak na pakiusap n'ya.

Pilit na niyayakap n'ya ako at pilit naman akong kumakawala.

"Tama na, Kier. Tapos na tayo. Tigilan na natin. Mas madami lang tayong masasaktan" nakikiusap na sabi ko sa kanya. "Alam ko na alam mo na hindi mo dapat akong mahalin. Hindi ako ang para sa'yo. Pahihirapan lang natin ang mga sarili natin"

Tinulak ko s'ya at tumakbo na ako papasok sa kwarto namin ni Nanay.

Mas lalo akong hindi dinalaw ng antok. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod na ako at nakatulog.

Paulit-ulit na bumabalik sakin ang mga pinagsamahan namin ni Kier. Ang noon na inakala ko na magiging habangbuhay ay nagwakas ng ganito. Nasaktan lang kami pareho.

Bakit ba ganito kakomplikado ang pag-ibig?

__________________

April 15, 2016 (Friday) - 13:00

Just for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon