Chapter 15 (1 of 3)

12K 356 29
                                    

Hindi pa din ako makapaniwalang may nangyari samin ni Kiel. Pero ramdam na ramdam ko naman sa pagitan ng mga hita ko ang ebidensya.

"Friend, tara na! Tawag na tayo ng dagat" hila sakin ni Rebecca.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinipigilan ko ang mapadaing sa sakit habang lakad-takbo kaming pumupunta sa dagat.

Ang planong team building activities ay hindi natuloy dahil karamihan ay nalasing kagabi at may mga hangover pa. Mahirap naman na pilitin sila at baka may mapahamak pa.

Kaya ngayong araw ay malaya kaming gawin ang nais namin.

Lasing na lasing sila Thea at Rico at nasa tent pa at natutulog. Si Sandra naman ay hindi namin alam kung nasaan. Kaya kaming dalawa lang ni Reb ang magkasama ngayon.

Hindi ko na napigilan ang mapangiwi nang malublob ako sa dagat.

Ang hapdi!

Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang sakit. Ang kirot!

"Fck! Ayoko na!"

Napalingon kami kay Kiel nang malutong na nagmura s'ya at nagmamadaling umalis ng dagat. Patakbong tinungo n'ya ang mga cabin.

"Anyare d'on?" Tanong ni Reb.

Hindi ako nakasagot at nanatili ang tingin ko sa kay Kiel.

"Hoy! Lika na. I-enjoy naman natin 'tong dagat" yaya sakin ni Reb.

Ngumiwi ako sa kanya. "Ikaw nalang. Wala ako sa mood e"

Sumimangot s'ya. "What's wrong with you people?" Naiinis na sabi n'ya at padabog na umahon na din.

"Sorry na, Reb. Masakit kasi sa balat ang init. Saka inaantok pa ko" malambing na sabi ko sa kanya at kumapit pa sa braso n'ya.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yo na magpakaligaw ka?" Mataray na tanong n'ya.

Idinahilan ko kasi sa kanila na naligaw ako. Syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyari samin ni Kiel. Mabuti nga at hindi nila binigyan ng atensyon ang sabay na pagdating namin ni Kiel sa tent kaninang madaling araw. Nataon kasi na gising pa sila nang dumating kami. Sinabi ko na naligaw ako at si Kiel ang nakakita sakin.

Naniwala naman sila kasi medyo kabisado na nila Kiel ang lugar. Nakakailang punta na din kasi sila.

Tumabi din ng higa sakin si Kiel pero sinunod naman n'ya ang gusto ko na 'wag s'ya masyadong madikit at 'wag s'ya mangyakap. Hindi pa kasi ako handa. Paniguradong isyu kapag naging kami. Magiging enemy number one na ako ng mga schoolmates ko na babae.

Nagbanlaw kami ni Reb sa shower room. Panay pa ang reklamo n'ya pero nangako naman ako na sasamahan s'ya mamaya kapag hindi na mainit.

Sana lang hindi na makirot mamaya. Ang hapdi naman kasi lalo na at tubig dagat. Sobrang sakit pala talaga kapag naisuko ang Bataan.

Mariing pumikit ako habang iniinda ang sakit.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang matapos na kami sa pagligo. Nagbihis na kami ni Reb. Naka two piece pa din s'ya na pinatungan lang ng see through na dress. Para maganda daw sa pictures. Pinili ko na mag maong shorts nalang at sando.

"Ano ba 'yan, Sofie!" Reklamo agad ni Reb nang makita ang suot ko. "Pati ba naman sa outfit ang KJ mo pa din. Beach 'to! Dapat naka bikini!" Pinaikot n'ya pa ang mga mata. "You have the body, you should flaunt it! Paniguradong maglalaway sa'yo ang boys. Pinagpala ka kasi." Malungkot na niyuko n'ya ang dibdib. "Lamang ka lang talaga sakin sa b-ooby department"

Natatawang napailing nalang ako.

"Okay na ko dito" hinila ko na s'ya papunta sa lounge area.

Hindi naman ako pwede magsuot ng mga sinusuot nila. Baka maeskandalo lang silang lahat kapag nakita nila 'yong mga kiss marks ni Kiel sa dibdib ko. Siraulo kasi 'yong lalaki na 'yon. Mabuti at napansin ko at naging aware ako na may kailangan akong itago.

Just for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon