DISCLAIMER:
Hindi po ito true story. Gawa gawa lang po ito ng aking malikot na isip at kahopian. Hahaha! One-shot lang po ito kaya wala na pong continuation. Ang dami po nangyari nung August ano po? Month of revelations EH. :'> Kaya dahil sa mga nangyayari sa ViceRylle ngayon, naisipan ko na naman gumawa ng istorya. Haha! Ayoon, so sana po magustohan ninyo! Keep calm and eat hopia! Haha!
Pasensya na po kung may mga mababasa kayong spelling or grammar mistakes ah? xD This is it! Pupush ko na talaga 'to! Hahaha! Sana magustohan niyo mga readers! I love you all :D
- Author
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sino ba bagay sakanya?"
"Ako syempre."
"Tignan mo damit palang terno na, eh ano pa kaya mga puso natin?"
"Namiss mo ba ko?"
Hindi pa rin makatulog si Vice. Uminom na siya ng gatas para makatulog pero tila'y walang epekto ito. Naiisip na naman niya si Karylle. Yes. Si Karylle na sobrang ka-close niya. Si Karylle na ka-loveteam niya sa Showtime. Si Karylle na tinatawag niyang Binibining Kurba. Simula nung nag confess si K sakanya through text at inamin na nadedevelop daw siya sakanya, nalito na siya pagkatao niya at nagulohan. Nung una ay akala niya nagbibiro lang ito kaya nakiride na lang siya at pabiro na nilalandi sa text kahit sa Showtime pag oncam sila.
Pero these past few days, may kakaiba siyang napansin kay Karylle. Naging clingy ito sakanya. Lapit siya ng lapit kay Vice. He felt awkward when she's around. Masyado siyang malambing. Ayaw niya ito iwasan kaya kinausap niya ito after showtime.
2 weeks ago . .
Pagkatapos ng Showtime dumiretso na lahat ng mga hosts sa dressing room nila. Inayos lang ni Vice ang gamit niya at pumunta na sa dressing room nila Anne at K. He knocked a few times at pinagbuksan naman siya ni Anne.
"Oh may kelangan ka?" tanong ni Anne. Sumilip naman si Vice at nakita niya si Karylle na nagreretouch.
"Pwede ko ba makausap si K?" he asked. Pinapasok naman siya ni Anne sa loob.
"K, kakausapin ka daw." umupo si Anne sa sofa at nag nagkalikot sa phone.
"Yes Vicey?" tinapos niya muna ang paglagay ng lipstick bago niya ito hinarap. Napatingin naman siya sa labi nito. Her red lipstick caught his attention. He wanted to kiss her. No, you idiot. You're just going to complicate things more. He said to himself.
"Panget ba yung shade ng lipstick ko?" she pouted.
"Hindi, ganda nga e. Bet ko yan. Pahiram ako ah."
"Kissable na ba?" sabi nito at ngumuso. Jusko K.. wag kang gumanyan.. sinasabi ko sayo. Hindi ka nakakatulong.
"Ah so may aakitin ka kaya ka naglagay ng lipstick?"
"Is it working?" she smiled. Na-realized niya na siya pala ang tinutukoy nito.
"Para kang ewan K. Nakakadiri ka." tinawanan na lang siya nito.
"May gagawin ka ba ngayon?" he asked.
"Hmm.. wala naman. Bakit? Yayayain mo ba ako makipagdate?" she grinned.