Part 1

15 1 2
                                    

Kathryn's POV
Kathryn Chandria Manuel Bernardo nga pala ang pangalan ko. 17 y/o nagaaral sa MU or Manuel University....oo kami ang may ari niyan si lolo ang nagpapatakbo niyan dahil hindi pa naman gaano katanda si lolo dahil nung nabuntis si lola ay 15 years old palang siya kaya kaya pa niya at si mommy naman 23 nung ipinanganak ako....

Anyways andito ako sa gym sa subdivision namen kakatapos ko lang magbasketball nakagawian ko na kasi yan araw araw eh tuwing umaga mga 5:30 andito na ko sa gym para magbasket at ngayon naglalakad na ko pauwi may klase pa ko eh....first day pa naman ngayon

Teka anong oras na ba....6:50 palang tamang tama andito na ko sa tapat ng gate namin kaya pumasok na ko...... Dumiretso na ko sa kwarto ko at naligo tsaka nagbihis na para pumasok... 8:30 pa kasi yung klase ko eh

Pagbaba ko dumiretso ako sa kitchen para kumain nadatnan ko naman dun si nanay Beth na kakalagay lang ng mga niluto niya..si nanay Beth yung nagalaga sakin mula bata pa ako kasambahay namin yan pero tinuturong ko siyang parang nanay ko talaga...

Anyways kumain na ko at ng matapos na ko nagpaalam na ko kay nanay....

"Nay alis na po ako ah.."sabi ko kay nanay at nagkiss na sakanya...

"Osige magiingat ka ha.." Bilin ni nanay

"Opo nay.." At ayun dumiretso na ko sa garahe at sumakay na sa dodge challenger ko at nagdrive na papuntang school..

Pagdating ko dun... As usual pinagtitinginan nanaman ako hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad papuntang field...may flag seremony kasi kami tuwing monday at siyempre first day of class....

Habang naglalakad ako biglang may umakbay sakin..pagtingin ko ang kaisa isa kong kaibigan slash besfriend...

"Uy! Dria nandito ka na pala di mo man lng ako hinintay..tss nakakatampo ka ah.." Sabi ni julia ng nakapout ...babaeng to oh...tsk hahaha

"Sorry naman juls eh sa nakalimutan ko eh..hehehe sorry na juls.." Sabi ko naman sabay peace sign....

"Ah basta nakakatampo ka.." Sabi niya habang nakapout pa rin...hahaha

"Sorry na kasi juls patawarin mo na ko treat nalang kita mamaya...tss wag kang magpout ang pangit mo.." Sabi ko at inirapan siya...eh sensya naman ganyan ako eh...

"Sungit mo naman ngayon....pero Talaga? Mamaya? Treat mo? Sabi mo yan ah wala ng bawian...hihihi yes!..." Sabi niya habang kumikinang pa yung mata...tss ewan ko sa babaeng to

"Oo nga paulit-ulit? Tss halika na nga malate pa tayo sa flag eh...tss" sabi ko habang hinahatak na siya sa field..at pumwesto na kami sa huli dito kasi talaga kami pumepwesto tuwing flag eh ayaw namin sa harap eh..at sakto naman eh nagsimula na agad yung flag

Slamat naman at natapos na kaagad yung flag haba pa kasi nung speech ni principal..tss kilala ko ang principal dito...eh sa kami yung may ari ng school na to eh..

Eto na nga kami ngayon at naglalakad papuntang classroom namin...at balita ko may bagong transferee daw...tss eh sa rinig yung mga bulungan nila eh.....

Pagdating namin sa classroom umupo na kami sa usual naming upuan sa pinakalikod at dulo at yun nga pagupo namin eh sya namang pagdating ng aming adviser at ng dalawang lalakeng di pamilyar sakin...siguro sila yung transferee na sinasabi nila ....

"So good morning class i'm Ms. Ortega your adviser this year..and as you can see we have some new transferee....ok so please introduce yourself.." Sabi ni Ms. Ortega

"Hi guys! I'm Diego Loyzaga and i'm 18.." Sabi nung Diego at yung mga babae naman dito sa classroom kala mo matatae o ano eh kinikilig na ewan tss....sumunod naman yung isa

Princess of basketballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon